Lhezandra pov:
"Yiehhh!!! Happy birthday!"
"Happy birthday!"
"Ahem. Ahem!"
"Happy birthday tenchu!"Naiiyak ako dahil sa salubong na pagbati nilang lahat saakin.
Para akong isang Prinsesa ngayon.
Nakasuot ako nang pulang gown at naglalakad sa gitna habang kasama ang boyfriend ko.
Hindi ko alam kung iiyak o matatawa sa sarili ko.
Emosyonal akong napalingon kay Dave pero nginitian lang ako nito at mas hinigpit ang hawak sa kamay ko.
"Happy birthday Lhezandra!"
Isa-isa silang bumabati at niyayakap ako.
"Thank you"
"Ang ganda mo tenchu! Happy birthday!"
Napangiti ako at tinugunan ng yakap si AC.
"Liza happy birthday ang cute cute mo!"
Naiiyak ako habang isa isang tinutugunan ang mga yakap nila.
Nandito ang halos lahat naming mga kaibigan. Sina Mitch, AC, Reign & Rush, Natasha, Czyche and Meccazha.
Wala Sina zinayaji, Ethan at Lance kasi nasa ibang bansa sila.
Private celebration lang din kaya di ko na-invite sina Luke.
Inalala kasi namin kalagayan nina besh lalo na alam naming pupunta si Prince. Para free sila at lahat kami maging masaya.
Ok lang naman saakin ang importante saakin nandito presence ng mga malalapit kong kaibigan na nakakaalam ng totoong namamagitan kina besh & Prince.
Nandito na sina Gael at JJ, wala pa si Prince, c Kenly naman d daw pwede kasi bvntis fiancé baka mapano.. Pero may kulang parin..
Hinanap ng mga mata ko sina Besh at Mawi.
"Happy birthday Lhezandra" Ngisi ni Gael.
"C M-mawi po?" Tanong ko habang iginagala ang paningin sa paligid.
"Speaking of that.. may date sila ngayon"
Kumunot ang noo ko.
"M-may date?" Nilingon ko si Dave.
"Silang dalawa nag date" Kamot nito sa batok.
"Huh sino po??" Naguguluhan na tanong ko.
"Si Claire & Maurine" Si Gael ang sumagot.
"Sino lesbian sa kanila?" Biglang sulpot ni JJ "Aw!" Reklamo nito ng hinampas ni Dave.
'Wala ba talaga sila?'
Kami kami lang ang nandito kaya madali kong makikita kung nandito nga sila.
Pero wala nga.
Maiiyak na sana ako dahil sa lungkot pero meron akong napansin na parang gumagalaw sa ilalim ng Mesa.
Nandito kasi kami sa isang restaurant pina reserved nila para sa kaarawan ko. Nasa taas kami para mas safe daw sa paligid.
Maraming mga decorations parang nasa enchanted na nga eh.
Ang bongga!
"Sweetie maupo na tayo" Usap ni Dave.
"T-teka.."
Naglakad ako patungo doon sa direksyon.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko ng may makitang paa na merong black heels pero agad iyon naitago sa ilalim.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...