Chapter 157: The farewell moment?

90 5 0
                                    

Lhezandra Feign Pov:❇️

"I h-hate you Dave" Bulong ko.

Ngumiti ako ng mapait bago kinilos ang kamay ko para sana itapon na iyon subalit bago ko pa man mabitawan ay may pumigil sa braso ko na naka-angat sa ere.

Napalaki ang mga mata ko ng may maramdaman na braso na biglang pumulupot sa beywang ko at kamay na mas humigpit ang hawak sa braso ko na naka-angat sa ere.

"H-hate me all you can b-but I will s-still love you until my life reaches its end.."

Nahigit ko ang sariling hininga sa narinig na familiar na boses mula sa likuran ko.

Hindi pa man agad nag sink-in sa utak ko kung sino man iyon subalit nagwawala na itong puso ko.

Dug. Dug. Dug.

'Hindi, imahinasyon ko lamang ang lahat. Hindi ito totoo'

Muli kong ikinilos ang braso ko para maitapon na iyon ng tuluyan.

"P-please d-dont.."

Mas humigpit ang yakap nito sa beywang ko at isinubsob na ang ulo sa leeg ko.

Dinig na dinig ko na din ang pag singhot nito.

'Ang mga yakap na iyon. Sya ba talaga?'

Mas lalong nangatog ang mga binti ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil tuluyan muli akong napahikbi.

Dala ng panghihina ay na ibaba ko na ang braso ko na naka-angat sa ere pero ginawa iyong advantage ng nasa likuran ko para mas lalo akong makulong sa mga bisig nito.

Dug. Dug. Dug.

Dama ko ang napakalamig na mga kamay nito na nakayapos sa mga braso ko.

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko at umasa sa puwersa ng nasa likuran ko dahil kung hindi dahil sa kanya ay kanina pa sana ako muling nakasalampak dito.

ILANG SANDALI akong nanatili sa direksyon hanggang sa magkaroon ako ng lakas at unti-unti ng kumilos paharap.

Nanlalabo man ang paningin ko at medyo dumidilim na ang paligid pero kilalang kilala ko parin ang taong nasa harapan ko.

Lumunok ako at bahagyang umiling.

'Napapr@ning ka lang self. Hindi ito totoo'

Patuloy akong umiling pero napatigil ako ng ikinulong na nito ang mukha ko sa kanyang mga palad.

"Sweetie.." Nakangiting tawag nito saakin bagaman punong puno ng mga luha ang kanyang mga mata't pisngi.

Naibuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na salita mula dito.

'Hindi ito totoo. Impossible, anong ginagawa nya dito?'

"H-hindi..hindi ito t-totoo.."Bulong ko sa kawalan at napangiti pa ng mapait.

"I'm so sorry.."

Natulala ako sa kawalan ng halikan ako nito sa noo subalit doon na naniwala ang puso ko na sya nga ito sa harapan ko.

"I'm so sorry for everything.."

Namalayan ko na lamang na nakakulong na ako sa mga bisig nito.

"D-dave" Nanghihinang sambit ko.

Subalit napalayo ako dito ng bahagya nang matauhan.

'Nakita ko sa Instagram na kasal na si Keanna sa kanya.Pero ano pang ginagawa nya dito?'

Napalaki ang mga mata ko ng mapansin nga ang kabuuan ng suot nito.

Naka suot parin sya ng white wedding suit, pero bakit sya nandito?

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon