Lhezandra Pov:
❇️A week later❇️
Pansin ko kay besh na maraming nabago sa kanya simula nung araw na hinatid sya ni Prince dito.
Tama! Sobrang gulat na gulat nga ako ng makitang si Prince ang naghatid sa kanya. Pero pumasok lang nang time nayun si Besh sa kwarto na walang kibo tsaka namumugto pa ang mga mata. Baka sobrang nasasaktan parin sya sa nangyari sa kanila ni Prince.
Gusto ko sana syang tanungin pero baka mag cross the limits na ako.
Pero ang mahalaga nakapag usap na sila. Siguro for closure?
Tsaka may advantage naman ang nangyari. Kasi simula nung araw na iyon parang naging magaan na ang bawat araw ni besh. Mahimbing narin syang nakakatulog sa gabi hindi na tulad nung dati na halos hindi na sya natutulog dahil di sya makatulog. Dati din laging malayo ang tingin nya at parang laging malalim ang iniisip.
Pero ngayon, parang bumalik na sa dati ang bestie ko. Tunay na ang mga ngiti ang nakikita ko sa kanyang mga labi. Palatawa na ulit sya at mahilig ng mangulit gaya ng dati.
Kaso nga lang pansin ko na may tawag ng tawag sa kanya na lagi nyang pin@p@tayan ng tawag. Pagkatapos ay mag bubulong bulong sya na parang may inis sya sa taong iyon.
'May manliligaw na kaya c besh? Pumayag na ba sya na muling buksan ang puso nya sa Iba?'
Ayy. Merong excitement at panghihinayang ang nararamdaman ng puso ko ngayon.
Excite kasi Inlove na syang muli. Pero merong panghihinayang kasi sila ni Prince ay hindi na maaring mag kabalikan.
Napanguso ako sa isiping iyon.
"Good Morning Miss? Do you need anything?"
Agad akong nabalik sa realidad.
Merong bumungad saakin na babaeng naka bangs na parang familiar.
"A-ah hello.. Ahm. Tanong ko lang sana kung saan..."
Ano bang itatanong ko kung nasaan si Besh? O nasaan ang office ng CEO kasi doon sya nag rereport?
"Ahm.. kilala mo po si Cleress Xiashin Smith?" Nahihiyang tanong.
"Oh yeh! She's my friend here. I'm Kathleen Marquez by the way"
Inilahad nito ang isang kamay. Nahihiya kong tinanggap iyon.
"L-lhezandra Feign.." Pagpapakilala ko.
Sunduin ko daw c Bestie sabi ni Mawi kaya nandito ako ngayon sa La Luna kasi ang alam ko dito nag rereport si Besh kapag ganitong oras. Kasi matapos dito ay diretso na kami sa bahay na tinutuluyan nila Mawi para sabay sabay naming masundo si Baby Zia sa school ng NXA, pang two weeks na nya ngayon as kindergarten.
"Hindi ko pa nakita C Twinny na dumaan. Pero baka nalingat lang ako kasi busy ako masyado. Samahan nalang kita sa office ng CEO" Nakangiting usap nito.
Napatango tango nalang ako kahit sobrang kinakabahan ako.
Buti nga Tagalog sya eh huhu!
Sumunod lang ako sa kanya kasi di ko naman alam pasikot sikot dito.
Maya Maya lang ng tumigil muna ito at pawang may tinignan sa cp.
"Excuse me for a while. I just need to take this call. Just wait me here huh?" Paalala nito.
Napatango tango ako.
Lumayo muna ito saakin kaya nag stay lang ako sa tabi habang iginagala ang paningin sa paligid.
Grabi! Ang Ganda Ganda talaga dito! Ang professional nilang kumilos grabi nakakatakot. Mga high-tech din ang mga gamit dito.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...