Lhezandra Pov:
Di Ako makatulog kasi naman eh yung nakita at narinig ko.
'Namamalikmata lang ba ako kanina??'
Napatampal ako sa noo ko.
Gosh! Sana naman di ako nakita kanina huhu kung hindi, malalagot ako dun!
❇️ FLASH BACK ❇️
Halos Umaga na ng mahatid ako ni Dave sa apartment na tinutuluyan namin sinamahan pa kasi namin sina Mawi. Nag-aya din ng dinner si Dave, tatanggihan ko sana pero sabi ni Dave c-gurado naman sya na di pababayaan ni Prince si Besh tsaka kung malaman ni Kuya Vince na wala kasama c besh sa Apartment, papatuluyin naman nito sa condo.
Sobra nga akong nag-alala eh, kasi si Prince need na iyon Umuwi agad dahil bvntis yung fiancé nito, ibig sabihin kung umalis c Prince eh di walang kasama si Besh pero parang kampante si Dave na di iiwan ni Prince si Besh. May tiwala naman ako kay Dave kaya pumayag na akong mag dinner kasama sya kasi gutom narin naman talaga ako.
Tsaka mas natagalan pa kasi nag ka emergency meeting c Dave, dahil gabing gabi na at wala akong kasama pauwi kaya sinama muna ako ni Dave.
1:06 am na ako ng mahatid ni Dave sa apartment.
"Hala po c besh!" Natatakot na usap ko.
"Don't worry Zhan, Prince will never leave her"
"T-teka ibig sabihin nasa loob parin si Prince?" Nanlalaking mga matang usap ko at tinuro sa loob ng apartment namin.
"She's more safe if kasama nya nga si Prince sa loob." Nakangiting tugon ni Dave.
"Hala!" Wala sa sariling bulalas ko.
"Don't worry Zhan, he's a gentleman. Wala syang gagawin kay Claire na masama"
"Ah..eh.. p-pasok na po a-ako.."
"Ok, good night or it must be good morning"
Napakamot ako sa batok.
Nag wave nalang ako kaya tumango ito habang nakangiti at pinaandar na ang sasakyan palayo.
Agad na akong tumakbo patungo sa loob. Dinukot ko agad ang duplicate key sa bag ko ng makarating ako.
Dahan2x kong binuksan ang pinto. May ilaw naman sa paligid. Dahan2x ko muling sinara ang pinto.
'Kinakabahan ako'
Maingat kong tinungo ang kwarto ni besh para i-check.
Napatigil ako ng may marinig mula sa loob.
"Ayst! You cried a lot earlier.. I'm so sorry"
'Boses yun ni Prince, kasama nga sya ni besh sa loob'
Mas lalo nang bumilis tibok ng puso ko.
Dahan2x akong humakbang palapit. Medyo naka-awang ang pinto kaya di na ako nahirapan na makita ang loob. Pero napalaki ang mga mata ko ng makitang nasa kama nakaupo si Prince sa tabi ni besh habang hinahaplos ang buhok ni besh.
'Hala! OMG!'
"Don't worry, malapit na baby hm? Di ka na uli masasaktan"
Nanginginig ang mga palad ko na naitakip sa bibig ko kasabay na paglaki ng mga mata ko.
'Baby? Tama bang dinig ko? Diba call sign nya yan Kay besh noon?'
Mas nanlaki mga mata ko ng hawakan pa nito ang kamay ni besh at hinagkan.
Ramdam ko na ang sobrang pangangatog ng tuhod ko. Pinag papawisan na din ako.
"Good night baby ko, I love you infinity"
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...