Chapter 73: Look what you can't see

98 6 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

Nanginginig akong napalingon sa likuran ko kung saan nasa di may kalayuan lamang sina Casfin.

Ngumiti sila para pagaanin ang loob ko.

Napalunok ako at pilit nilingon Lolo ni Azhi.

Meron ito ngayong hawak na walking stick at merong dalawang nakablack suit sa likuran nito.

Halos walang pinag bago sa itsura nya.

"G-good M-morning po" Nauutal na pagbati ko kahit alam kong di ako nito tutugunan.

Sumenyas ito na maupo ako kaya no choice akong naupo sa mamahalin na single sofa katapat nito.

'Azhi please bumalik ka na'

Sobrang kinakabahan na ako. Nanginginig at nanlalamig na ang buong kalamnan ko.

"Neodo joheun achimiya"

Napaangat ako ng tingin ng magsalita ito sa napakalamig na boses.

Subalit mas lalo akong dinalaw ng sobrang takot ng mag salubong muli ang mga mata namin.

Biglang tumabi sa kanya ang naka black suit at nilingon ako.

"Let me translate it in tagalog for you Miss Smith" Walang emosyon na usal nung nakablack suit.

Napatango ako.

"He said. Walang maganda sa umaga" Pure tagalog na usap nito.

Mas lalo akong nanginig kaya napahigpit kapit ko sa damit ko.

Lumingon pa ang Lolo ni Azhi sa alalay nito sa tabi bago muling lumingon saakin kaya napatungo muli ako.

"Neoege jul geosi isseo"

Muli akong napalingon sa kanya.

Hindi mawala wala ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Meron akong ibibigay sayo" Translate nung alalay nito.

Mas lalong lumala kabog ng puso ko.

Sinenyasan nito ung Isang alalay kaya lumapit iyon sa direksyon ko.

Napalunok ako ng meron itong gold box na inilatag sa table sa harapan ko na meron pang ribbon.

Parang gift lang ang style.

"Yeoleo bwa"

"Buksan mo"

Mas lalong bumilis tibok ng puso ko.

"P-po?" Kinakabahan na tanong ko.

Isinenyas nito ang kamay na kunin ko ung box kaya nanginginig ang mga kamay ko na kinuha iyon.

Mukhang super mamahalin ang loob nito kaya maingat kong hinawakan.

"Buksan mo" Ulit nung nag ta-translate.

'Azhi nasan ka na?'

Halos hindi na ako huminga para maingat iyong mabuksan.

Bumungad saakin ang sobrang gandang box na alam kong super mamahalin.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak iyon.

Meron na namang sinenyas ung Lolo ni Azhi sa alalay nito na nasa tabi ko.

"Open the first one" Utos saakin nung naka black suit na nag dala nito sa harap ko.

Napalingon ako sa Lolo ni Azhi pero naka poker face lang ito.

"Buksan mo" Ulit nung katabi nito na nag ta-translate ng tagalog.

Nilingon ko pa sina Casfin.

Tumango sila senyas na gawin ko ipinag-uutos saakin.

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon