Cleress Xiashin Pov:
Isang araw lang naging pahinga namin nang makabalik kami ng Manila.
Ayun isang araw na nga lang pahinga ko ginisa pa ako ng mga kaibigan ko dahil sa singsing na suot ko huhu!. Pero may tiwala naman ako sa mga kaibigan ko, kahit super daldal nila lalo na si AC alam ko naman na pagdating sa mga pribadong bagay tungkol saakin ay kaya nilang mag tago ng mga sekreto.
Natatakot pa kasi ako eh. Di pa ako handa sa maaaring kaharapin ko kapag nalaman na ng buong mundo kung ano ang papel ko sa buhay ni Azhi.
Panigurado akong mababawasan ng lagpas kalahati ang life ko at madadamay mga mahahalagang tao saakin huhu!
"Moma!!"
Napangiti ako at sinubukan na kargahin si Zia.
"Ah! Ayah! Ang laki ng pinagbago nang baby ko. Di na kayang buhatin ni Moma"
Napanguso si Zia sa sinabi ko pero napatawa narin ako.
"Pano ba naman spoiled nang ama" Baling ni Mawi.
Dito kasi sila natulog kagabi kaya nga puyat ako eh. Kasi di nila ako tinantanan.
"Di po ah!" Nguso ni Zia bago muling bumaling saakin."Moma! Miss na miss na miss na miss Kita!" Nguso lalo nito.
Simula pa nang dumating ako ganyan lagi lumalabas sa bibig nya.
Mas lalo akong napangiti at niyakap ng mahigpit si Zia.
"I miss you too! Infinity" Nakangiting usap ko.
"Anak ayusin mo na mga gamit mo may school ka pa mamaya"
"Sige po"
Tumakbo na papasok sa kwarto si Zia.
"Bestiee!! Ang cute cute mo! Ang s3xy s3xy! Ang ganda mo besh!!!" Tili ni Bestie.
Mas lalo akong nakaramdam ng hiya.
"Woy di.."
Bahagya kong binaba ang edge ng skirt ng suot kong pang office attire na dress.
Kasi naman ang ikli eh.
"Syempre naman mag papaganda yan. Tignan mo oh nagmamadali, naghihintay na kasi perfect fiancé nyan"
Pinanlakihan ko ng mga mata si Mawi pero tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Indi nuh!"
"Tanggi pa more"
"Hindi kasi talaga. Kasi ano.. Mali-late na ako, need ko pa kasing mag report kay sir Chen"
Totoo yun nuh.
"At sa fiancé mo.."
Napakagat ako sa labi ko.
"Ayieh! Si Besh!"
Mas lalo akong napanguso sa pang-aasar nila.
"Bestie! Bagay na bagay sayo ang suot mo! Ang cute!! Diba Mawi!?"
"Oo! Tama si Liza! Mas lalo ka kasing pumuti at naging blooming. Naol!"
Kinunutan ko ng noo sila.
"Pinagsasabi nyo?" Asik ko sa kanila.
"Moma! Ang ganda mo po talaga Moma ko!"
Si Zia na tumakbo na palapit saakin at yumakap.
Nahihiya ako baka scam.
"Diba? si Zia na nag sabi hahaha!" Baling ni Besh.
"Naol kasi may perfect fiancé. How to be you po?" Dagdag pa ni Mawi.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...