Chapter 151: Disloyal

67 4 0
                                    

Maurine Lucy Pov:

NAGISING akong wala sa tabi ko si Gael.

'Nasaan ba iyon?'

Napangiwi pa ako ng mapabangon ako dahil sa sakit ng katawan ko lalo na sa ano ko.

Kahit lagi na naming ginagawa masakit parin talaga.

Umalis na ako sa kama, di na ako nag-abalang balutin pa ang sarili ko.

Nag salin ako ng mainit na tubig sa baso at nilagyan ng kunting malamig na tubig para maligamgam ang inumin ko.

Ilang sandali pa ay pumasok na ako sa banyo para makaligo.

ILANG minuto ang tinagal ko sa CR paglabas ko ay naabutan ko si Gael na nakaupo sa sofa busy sa cellphone nito.

'"Good morning"' Nakangiting bati ko pero di man lang ako nito tinapunan ng tingin.

Bad mood ba yan? Ang aga aga.

Inalis ko na ang tiwalya na nakabalot sa katawan ko.

Sanay narin naman akong magbihis kahit nandiyan sya.

Lagi nya na kayang nakikita at nahahawakan ang katawan ko may ikakahiya pa ba ako? Saulo nya na ata ang lahat ng meron sa katawan ko dahil sa halos araw arawin nya na ako.

Para ngang daig pa namin ang mag-asawa eh kung ikasal na kaya kami baka naman maging isang dosena ang mga anak ko.

"'Anong ulam natin?"' Tanong ko habang nagbibihis ako.

"'Isda"' Tipid na sagot nito.

"'Nanaman? Baka naman tubuan na tayo ng kaliskis nyan"' Natatawang biro ko.

'Mag order nalang kaya ulit kami. Lagi nalang isda kinakain namin eh'

Oo nga at iba't ibang klase at luto ng isda pero nakakasawa na. Sabi nya ok daw iyon para sa dinadala ko pero mukhang mas sasama ata eh.

"'Dalawang araw palang natin ulam iyon sawa ka na agad? Ah oo nga pala nakalimutan ko mabilis ka palang magsawa"'.

Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

'"Anong sabi mo?'" Seryusong tanong ko.

"'Bakit totoo naman ah? Hindi ba at nakipagrelasyon ka pa sa iba nang nagsawa ka saakin noon?"'

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito na hindi kailanman pumasok sa isip ko na sasabihin nya.

'"A-ano bang p-pinagsasabi mo?"' Pinipigilan ko ang sarili na huwag sumigaw.

"'Ano masarap ba sya?"'

"'Gael!"' Sigaw ko na dito.

"'Tinatanong kita masarap ba?! Oo nga pala halatang nasarapan ka eh inulit nyo pa"'

"'Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan!!"'Sigaw ko na dito.

Ngunit napaatras ako ng tumayo ito at dirediretso na lumapit sa direksyon ko saka pinakita saakin ang nasa screen ng cellphone nya.

Yung si Adam, yung hinalikan nya ako.

"'Magp-papaliwanag ako.."'

"'Magpapaliwanag? Ano bibilugin mo na naman ang ulo ko?!"'

"'Gael.. Hubby please m-makinig ka saakin.."'Hinawakan ko sana ito sa braso pero iwinaksi nito ang kamay ko.

"'Makinig? Eh malinaw na ang narinig ko eh! Ang pag amin mo sa lalaking iyon na gusto mo sya! Ang paghahalikan nyo na para bang wala nang bukas at kahit sa party ng kaibigan mo di nyo nirespeto— *PAK!**"'Sinampal ko na ito kasi di ko na kinakaya.

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon