Lhezandra Pov:
Walang araw na hindi ako kinakabahan. Kasi naman hatid sundo na ako ni Dave. Iisa narin kami ng tinutuluyan kasi nga wala akong kasama.
Kaya parang live in na kami. At aaminin ko ano eh.. nagkabalikan na ata kami ni Dave.
Ewan ko basta sweetie na tawag nya sakin. Tsaka parang ala boyfriend ko na sya ulit.
Ewan. Di pa kasi ako sigurado eh tsaka ayuko naman mag assume.
Pero hinahalikan nya ako sa labi? Diba may meaning yun? Huhu.
Si Besh kasi eh iniwan ako dito huhu. Di ko naman macontact si Besh kasi nga no cp dun si besh for some reason daw huhu.
Musta na kaya si Besh? Sayang di ko mapapanood ung ganap. Bawal kasi. Ipinagbabawal huhu.
Kapag may nagtatanong din samin ang sinasabi namin nasa business trip si Besh kasama si Yi Chen.
Di pa malinaw sakin ang lahat pero I know para sa safety yun ni besh kaya maingat kami sa pag bigay ng mga info.
No post sa social media nga kami.
Yung mga past post namin nung college naka private lang namin.
"Sweetie?"
Halos matapon ko ang cellphone ko dahil sa kaba ng marinig ang kanyang boses sa likuran ko.
Inayos ko na ang sarili ko at kinuha ang bag ko.
"Let's go?"
Napatango tango ako.
"Sweetie. Mamaya pala baka malate ako sa pag sundo sayo. May photoshoot kasi si Keanna mamaya baka di matapos agad. But I will try my best para masundo agad kita"
May kung anong lungkot na dumaan sa puso ko pero lipas lang din naman.
Naiintindihan ko naman. Minsan nga sumasama pa ako kay Dave mag support kay Keanna sa mga photoshoot nya dito sa Pilipinas pero kapag may trabaho ako c Dave nalang pumupunta.
May 1 year photoshoot project kasing inaasikasu si Keanna dito sa Philippines.
1 year ang contract nya kaya mananatili sya dito sa Philippines hanggang sa matapos ang contract nya.
"Ok lang ba sweetie?"
Napakurapkurap ako tsaka pilit na ngumiti.
"Oo naman po." Nakangiting usap ko pero di umabot sa aking mga mata.
"Are you sure?" Paniniguro nito.
"Opo. Ok lang tsaka di naman po ako makakasama kasi may work pa ako."
"Ok, hintayin mo lang ako sa office nyo. Huwag kang lalabas ng airport ng wala ako" Bilin nito na nagpatango saakin.
"Tomorrow sweetie mag leave ka muna sa work mo"
"Hala. Bakit naman?" Kunot noong tanong ko at naglakad na palabas.
"Date tayo" Tipid na usap nito tsaka binigyan ako nang matamis na ngiti na nagpa-init saaking pisngi.
"K-kaka leave ko lang eh" Nakaiwas tinging usap ko.
"Ayaw mong makipag date saakin?" Parang may tampo sa boses nito.
"K-kasi..." Napakamot ako sa batok.
"Kelan lang tayo nagkaayos tapos ayaw mo man lang makipag date sakin. Hindi mo ba ako namiss?" Malungkot na tanong nito tsaka na sinara ang apartment.
"D-di naman sa ganun"
"Yung best friend mo mag se-settle down na. Dapat tayo din. But the question is, are you ready?"
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...