Cleress Xiashin Pov:
"Moma! Moma! eat..."
Agad kong ibinuka ang bibig ko kaya agad nang isinubo saakin ni baby Zia ang nuggets na hawak nito.
'Akala ko di ko na muli sya mayayakap'
Mas lalo kong hinigpit ang yakap kay Zia.. Naka kandong kasi sya sakin ngayon..
Nag uusap kasi sina Mawi at Ya Gael sa labas kasama si Az..este si Mr. Lee..
Palingon lingon ako sa may window.
'Ano kaya pinag-uusapan nila?'
Nilingon ko si Besh kausap din ito ni Ya Dave di kalayuan at pawang nag eenjoy silang mag-usap.
Oo. May inihanda kasi na kunting salo-salo kasi nga birthday ni Mawi. Kung wala dito c sir Lee. Siguro buong maghapon lang IIyak si Mawi ngayong Araw.
Di nakapunta si Jeru kasi may appointment sya sa patient nya, si JJ naman may business meeting. Kaya kami kami lang dito kasi mga kaibigan namin next day nalang daw i-cecelebrate.
"Baby? Bakit di ka nag paalam muna kay Moma o kaya kay Mawmy bago ka sumama sa daddy mo?" Usal ko dito.
"Kashi po Dawdy ko naman po sha" Ngiting ngiti nito.
Nalungkot ako sa usap nito.
"Kung papipiliin ka, kanino ka sasama? Sa mommy mo o sa Daddy mo?" Tanong ko dito kahit na di ko dapat sya tinatanong nang gantong klaseng tanong.
"Pwede po both?" Nakangusong balik tanong nito.
Napakagat na ako sa labi at hinagkan nalang ito sa noo.
Napatingin na ako sa kawalan.
'Bata lang si Zia..Bata pa sya, dapat hindi nya nararanasan ang gantong sitwasyon'
"Moma Moma..."
Napakurapkurap ako.
"Huh?" Wala sa sariling tanong ko.
"What's with that face again?"
Napalunok ako ng mamalayang nasa harapan ko na pala si Mr. Lee.
"H-huh?" Wala ulit sa sariling tanong ko.
"Tsk!"
Nabigla ako ng kunin nito saakin si Zia at ito na ang kumarga.
'Naalala ko na may kapatid sya kaya alam nya pano mag alaga ng bata'
Lumingon nalang ako sa paligid para hanapin sina Mawi kaso wala pa eh.
"Hellow po! Ako po baby Zeya ikaw po?" Bibo na usal ni Zia na nagpangiti kay Azhi Este..Mr. Lee.
"I'm Prince Ashler __"
"Moma pogi pogi nya po Moma! Tao po ba sha?" Napakagat ako sa labi sa tanong ni Zia, sinundot sundot pa nito ang pisngi ni Azhi.
'Jusme! Wag sanang magalit!'
"E-ewan.." Nauutal na sagot ko.
Pero napalunok ako ng kinunutan ako ng noo ni Mr. Lee.
"Pogi mo po..para kang artish!" Bibo uli na usap ni Zia at hinawakan ng maliit na palad nito ang pisngi ni Mr. Lee.
"Really?" Kumunot noo ko sa tanong ni Azhi.
'Talaga lang ah?! Himala ang bait. Ay oo ngà pala mag kakaanak na rin sya'
Meron na namang lungkot na bumalot sa puso ko.
"Pede po kita maging Dawdy ko?"
Mas lalo akong napakagat sa labi.
'Jusme! Lagot na! Kasalanan ito ni Mawi eh tinuruan ba naman ang bata na basta daw gwapo daddy nya'
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...