Chapter 137: Believe

81 6 1
                                    

Maurine Lucy Pov:

✳️ FLASHBACK ✳️

NASA mall kami ng mapansin ko si Cleress kaya tinawag ko. May binili sa taas si Gael di na ako sumama kasi yung tiyan ko medyo malaki na mahirap sakin mag taas baba sa escalator.

"Clarissa hoy!" Masayang pagtawag ko habang nakahawak sa tiyan ko.

Subalit nagsalubong ang mga kilay ko ng di man lang ako nito tinapunan ng tingin dumiretso ito sa stuffed toys store.

Napairap ako tsaka sinundan ko na lamang.

"Clarissa hoy!" Baling ko na dito.

Napalingon ito saakin sabay lingon sa likuran nya.

"Pinagtitripan mo ba ako? Kanina pa kita tinatawag ah!" Inis na baling ko dito.

"Oh! You?" Turo pa nito saakin."Maurine anong ginagawa mo dito?"

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.

"Hinihintay ko si Gael"

"Oh I see, sige mauna na ako" Ngiti nito at tumalikod na.

Tumaas isang kilay ko..

'Tumangkad ata sya..'

Pero siguro dahil sa heels..

"Hoy! Aalis ka agad?"

"Busy kasi ako Maurine, you know, malapit na wedding namin"

"Oo nga pala ayieh! Sanaol Clarissa. Pero bonding muna tayo nina Liza bago ang wedding nyo.."

"Sorry Maurine pero masyado akong busy eh"

"Kahit kunting oras lang naman, nakakatampo ka na"

"I'm sorry I cant. Busy talaga ako sa wedding namin, mas marami pang mas mahalaga bagay na kailangan kong pagtuunan ng pansin kaysa ang makipag bonding sainyo—"

"Anong sabi mo Clarissa?" May bahid ng tampo na tanong ko.

"Narinig mo ako Maurine...Sana naman maintindihan nyo na busy akong tao hindi ako tulad mo na walang ibang kina-aabalahan sa buhay kundi ang.." Saglit nitong nilingon ang tiyan ko kaya napahawak ako doon "gumawa ng bata"Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

Wala sa sariling tinaas ko ang isang palad ko para pagbuhatan ito ng kamay pero agad nitong nahawakan.

"I'm just stating the fact— Clarissa!" Sigaw ko na.

Wala na akong pakialam kung saamin na ang atensyon ng mga tao sa paligid.

"Bakit natatamaan ka? Bat di ka kasi gumaya samin, inuuna muna ang kasalan, bago yung kati sa katawan"

Natulala ako sa sinabi nito kaya nanghihina na naibaba ang kamay ko.

'Di ako makapaniwala. Parang di si Cleress ang kaharap ko'

"Oops. Napasobra ata. Sorry Maurine honest lang ako, totoo naman kasi eh dalawa na anak nyo di parin kayo kinakasal. Poor Maurine.."

Namalayan ko na tinalikuran na pala ako nito.

Napahawak ako sa dibdib ko at tuluyang napaiyak.

'Hindi ganyan si Cleress'

Napatakip ako sa bibig at nanginginig na napaupo sa tabi.

May point sya.. pero sobrang sakit nun tagos sa puso ko.

"Wifey? Wifey.."

Napaiwas ako ng tingin at napahawak lamang sa tiyan ko.

"What happened? Why are you crying?"

"Umuwi na tayo.." Walang ganang baling ko.

✳️END OF FLASHBACK ✳️

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon