ChapteMaurine Lucy Pov:
Napakahigpit na ang hawak ko sa sling bag ko habang nakatitig sa isang direction. Sobrang init na rin ng mga mata ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman habang pinagmamasdan ang kulitan ng mag ama ko. Wall glass ang buong restaurant kaya kitang kita ko mula dito sa labas ang kaganapan sa loob.
Gusto kong sumugod sa loob para ilayo ang anak ko sa ama nito pero di ko magawa lalo na at nakikita ko kung gaano kasaya si baby Zia habang nasa pangangalaga ng kanyang ama.
Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko na ngayon ay punong puno na pala ng mga luha.
'Hindi Pwede! Hindi sila pwedeng maging malapit sa isa't Isa. Baka mawala ng tuluyan sakin ang anak ko hindi maaari! Di nya pwedeng kunin sakin ang anak ko.'
Inayos ko na ang sarili ko.
Nang muli akong lumingon sa loob ay kita ko ng nakasandal si Zia sa dibdib nito habang karga nito na pawang natutulog.
Napatago ako sa isang sulok ng kita ko nang palabas si JJ.
Napakagat ako sa labi dahil sobrang sumisikip ang dibdib ko.
Ayukong ipagkait sa kanyang ama ang anak ko pero natatakot ako na mawala saakin ng tuluyan ang anak ko.
Napayuko ako para itago ang mukha ko ng makitang lumabas na si JJ mula sa loob. Nang makalayo na ito ay pasimple muli akong sumilip sa loob.
Naramdaman ko muli ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking pisngi.
'Ang sweet nila. Ang sweet sweet nya sa anak ko..Sa anak namin'
Wala sa sariling may sumilay na ngiti mula saaking mga labi pero naglaho iyon ng maalala ko c Cally at anak nito dito.
"Ma'am are you ok?"
Napakurapkurap ako at pilit na tumango. Napatakip ako sa mukha ko at tumakbo papuntang CR para ilabas ang sama na nararamdaman ko.
Nang makapasok ako ay agad akong nag kulong sa cubicle at duon na napaiyak.
'Kung hindi mo sana ako iniwan Gael. Masaya sana tayo ngayon kasama ang anak natin. Pero bago ko pa man nasabi sayo na nag bunga ang nangyari saatin ay naka pili ka na kung sino ang iyong pananagutan samin '
"Hik*"
Naitakip ko ang mga palad sa mukha ko at napapikit na. Sobrang sikip ng dibdib ko.
'Nung Araw naiyon. Kahit alam kong wala ka sa sarili mo, nag desisyon ako na ibigay ang sarili ko sayo ng buong buo. Nilamon ako ng pagmamahal ko sayo kaysa ang isipin na baka di mo ako panagutan pagkatapos ng lahat.'
💠5 years ago FLASH BACK 💠
⚠️Be open minded: Not suitable for the young readers! ⚠️
Naisipan ko na kausapin na si Gael kasi ayuko nang patagalin pa ang lahat.
Marupok na kung Marupok pero di ko sya matiis eh.
Pinuntahan ko si Gael sa condo nya ng malaman ko na naglalasing sya lagi baka kasi makaapekto na sa kalusugan nya.
Nanginginig akong kumatok sa pinto.
*KNOCK KNOCK*
"Go!!" Dinig kong sigaw nito mula sa loob kaya sobra akong kinabahan.
Pero buo na ang desisyon ko na kausapin sya para maayos na namin ang lahat.
*KNOCK KNOCK*
Napalunok ako ng makita ang pagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...