Cleress Xiashin Pov:
✴️ 2 MONTHS LATER ✴️
Back to work na kami syempre. Umuwi kami nung New Year sa province para makapiling namin kanya-kanya naming Family.
Mabuti naman at naging matagumpay ang pag salubong namin ng Christmas at New year sobrang nag enjoy kami!!
Pero gravi ang trabaho pag balik namin ayst! Si Clyde nasa China ngayon meron kasi syang project don.
Engr. Lance Clyde Greyson na sya. Grvi! Successful nya na talaga!
Ako? Pinagsisikapan ko na maging Isang mahusay na secretary kasi ito ung dream ko eh! Unti unti ko nang natutupad.
Inaamin ko nahihirapan ako lalo na makiharap sa CEO ng La Luna. Kailangan ko kasing mag report eh bilang ako ang secretary ng ADA Company tsaka dahil nga mag business partner na ang dalawang Company nayan need ng interaction at syempre report bawat side.
Bakit ako nahihirapan? Sobrang lamig nya kasing makitungo tsaka medyo naiilang ako kapag nandoon ung fiance nya.
"Cleress! You're here"
Napangiti ako ng salubungin ako ni Kathleen. Sya ang nag gaguide sakin dito sa La Luna para di na muli ako mawala.
"Report?" Mukhang alam na nito kung bakit ako nandito.
Napatango2x ako.
"By the way. Today is my birthday."
"Talaga?" Nanlalaking mga matang tanong ko
"Yes. So ano? Pwede ka ba mamaya? Uhm. Let's celebrate! lalabas kami ng mga kasama ko dito sa La Luna. Sama ka na para makilala mo na din sila. Para marami ka nang close dito!" Excited na usap nito.
Napakagat ako sa labi ko.
'Day off ngayon ni Mawi kaya may magbabantay kay Zia. Kaso eh di ako sanay na makihalubilo sa Iba'
"Cge na. Pwede mo naman isama mga co- employee mo sa ADA para mag kakilala na tayong lahat"
Napabuntong hininga ako.
"Uhm. Try ko" Di siguradong usap ko.
"Sama ka na. After ng work natin. Please for me. I want to know you more. Don't worry di naman tayo pagagalitan kasi nag paalam naman na kami kay Mr. Allaire. Mabait yun. Tomorrow holiday naman so walang office work" Nakangiting usap nito.
Oo ngà pala napaka professional ng mga employees here sa La Luna need muna malaman ng boss nila lalo na kung kagagaling lng nila sa work kasi responsibility ng Company kung may mangyari pa kung ano.
"Di k-ko kasi sure. Pero sabihan kita pag makakapunta ako" Usap ko nalang.
"Cge asahan ko Yan ah!"
Pilit nalang akong ngumiti.
"Yes! Let's go!"
As usual sinamahan ako nito papunta sa office ng CEO pero nag papaiwan lang din sya sa Ibaba. Ipinagbabawal daw kasi na pumasok sa loob ng office ng CEO ang employee na wala namang important na kailangan sa CEO.
Nag senyas si Kathleen na sa labas nalang sya mag hihintay kaya no choice akong napatango.
'Relax self! As usual after ng report pwede ka nang umalis sa Company na ito!'
Nag inhale exhale ako bago pinindot ang door bell.
Sobra akong kinabahan ng bumukas na ang napakalaking pintuan. No choice ako kundi pumasok na. Napahawak pa ako sa puso ko ng bigla iyong sumara.
"Cleress!!"
Agad akong napalingon sa direksyon. Pinilit kong lumunok kahit na parang may harang sa lalamunan ko dahil ang sakit.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...