Lhezandra Pov:
Kasama ko ngayon si Dave kasi naman si Besh sinama na pala ni Prince sa province di man lang nakapag paalam saakin huhu!
Sinundo ako kanina ni Dave sa pinagtatrabahuhan ko kaya nalaman ko yun. Gusto din sana akong ihatid pauwi ng province ni Dave kaso may trabaho pa ako bukas.
Binilin daw ako ni besh Kay Dave kaya sasamahan ako dito while wala c besh huhu. Ayuko naman na makituloy ako kina Mawi kasi huhu for sure mas di ako makakatulog dun.
Bahala na huhu pero natatakot parin ako. Lalo na sobrang hiyang hiya ako sa nangyari huhu.
Di ko nga sya maharap ng maayos eh. Naiilang ako dahil sa nangyari.
Sana nakalimutan nya na huhu!
"Zhan?"
"Ay palaka!" Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko sa niluluto ko na adobo dahil sa biglaang pagsulpot nito sa likuran ko.
Napapikit pa ako tsaka nilagay muna sa bulsa ko ang cellphone at hinalo yung karne sa kawali bago tinakpan.
Kinakabahan na nga ako eh tapos manggugulat pa.
Aatakihin na ata ako sa puso nito.
"I'm sorry, nagulat ba kita?"
Napailing iling ako. Pero deep inside gusto kong barahin.
'Di ba halata na nagulat nya ako?'
"Ahmm. Ano pang alam mong lutuin?" Tanong nito sakin at sumandal sa pader di kalayuan.
"Ah eh anu.. mga gulay din marunong ako"
"That's nice" Nakangiting baling nito kaya napaiwas ako ng tingin dahil sure akong namumula na ako.
'Bat ba kasi sya ngumingiti huhu!'
Muli ko nang binuksan ang takip ng kawali tsaka kinuha ko yung sandok.
"Let me help you"
Naiilang kong binigay ang sandok kay Dave.
Hinayaan ko na lamang ito na maghalo.
"It smells so good"
Napangiti ako at napayuko dahil sa sinabi ni Dave.
"By the way about last n----"
"Ah eh.. Cr lang ako.." putol ko na sa sasabihin nito at nagmadali akong pumasok sa kwarto ko.
Napatakip ako sa mukha ko.
Nakakahiya!!!
Wah! Kala ko ba nakalimutan nya na!
Nakakahiya!
Ayuko nang lumabas!!
Napasubsob ako sa kama ko at nagtakip ng unan.
Ayuko na talaga huhu!
Umalis na sana sya huhu!Di ko na alam kung ilang minuto na ako nakasubsob sa kama ko at nakapikit.
Anong gagawin ko?
Anong gagawin ko?
Wah anong gagawin ko????KNOCK! KNOCK!*
Mas lalo akong kinabahan ng makarinig ng mga katok.
"Zhan, are you ok there? Is everything alright?"
Mabilis akong napabangon sa kama.
"O-oo naman.."
"Tara kumain na tayo."
"Ahh cge..t-teka lang.."
Nagpakawala ako ng malalalim na hininga ng ilang beses bago no choice na lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romansa𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...