Cleress Xiashin Pov:
Nandito ako sa kwarto para mag ayos ng mga gamit ko na kailangan dalhin.
Kunti lang na mga gamit ko pinadadala ni Azhi. Sya nalang daw bahala sa Iba.
Pero meron akong dalang sampong damit tsaka pang ibaba.
Maglalaba nalang ako.
Di naman kasi pwedeng gasta lang sya ng gasta para sakin baka anong isipin ng pamilya nya.
Napapikit na ako at napanguso.
'Kinakabahan talaga ako!'
Napailing ako at ipinagpatuloy nalang ang pag-iimpake.
Nasa labas si Azhi ngayon kausap sina Ate tsaka for sure nagpipicture na naman yun si Ate kasama si Azhi.
Obsessed yun sa Korean look eh. Pero alam naman ni ate na di sya pwedeng basta basta nalang mag post kasi Iba na mga tao ngayon.
Ayst! Kinakabahan parin talaga ako. Natatakot talaga ako parang ayaw ko nalang sumama.
Di pa ako nakakapagpaalam kay baby Zia.
Kinuha ko c Pikazhi at niyakap ng mahigpit.
Dadalhin ko sya para may yakap ako kapag natatakot ako.
3 weeks kami sa ibang bansa? Makakaya ko ba yun?
Ayst. Sina mama at papa parang ok na ok lang na isama ako ni Azhi. Parang panatag lang loob nila samantalang ako di ko alam kung makakatulog pa ba ako sa mga susunod na Araw.
Grvi ang tiwala nila kay Azhi. Pero binilinan naman nina mama at papa na huwag akong pababayaan dun kasi malalagot daw si Azhi.
Nangako naman si Azhi pero di ko parin talaga maiwasang di kabahan eh.
Aaminin ko panatag na muli ang loob ko kapag kasama ko si Azhi. Pero di ko parin maiwasang matakot kasi baka bigla syang mag bago tapos maging malamig saakin tapos iwan ako tapos mawala ako dun tapos di na ako makauwi.
Napatakip na ako sa mukha ko.
Nakaka scary!!! Huhu
"Beh! Tapos ka na diyan?"
Napalingon ako kay Ate nang biglang pumasok sa kwarto ko.
"Huh? M-malapit na" Usap ko at muling inayos mga gamit ko.
"Nagluluto si Prince" Ngiting ngiti ni Ate at umupo sa tabi ko.
Napatango lang ako.
"Oh bakit parang di ka masaya?"
Napalingon ako kay Ate.
"Natatakot kasi ako Ate.." Pag-amin ko.
"Bakit ka naman matatakot. Kasama mo naman si Prince"
Napailing ako.
"Di n-naman sa lahat ng Oras makakasama ko sya eh busy syang tao..." Nakangusong usap ko.
'Bakit ba kasi need akong isama?'
"Ano ka ba, time mo naman para mag enjoy. Hoy di ka na pabata, tumatanda ka na kaya dapat e-enjoy mo bawat opportunity na dumadating sayo."
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni ate.
"Tsaka ano ka ba! Di habang buhay dalaga ka. Mag a-asawa ka, magkakaroon ng mga anak. Kaya dapat maging malakas ka, matatag at matapang, yung kayang tumayo sa sariling mga paa at kayang ipaglaban ang pamilya"
Narerealize ko na mga sinasabi ni Ate.
Tama sya. Ayst!
"P-pero ate.. pano kung iwan ako ni Azhi dun? Pano kung ano..mawala ako tsaka---"
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...