Lhezandra Pov:
"Oo ok na ako. Salamat talaga" Usap ko sa kabilang line.
("Are u sure?")
"Oo nga kulit naman ng unggoy naito" Natatawang asik ko.
("Aray! Grabi naman Liit naito kung makalait wagas! Parang di ka tumitig saakin na parang artista kaharap mo sa sobrang gwapo ah!")
"Unggoy na nga ang hangin pa" Natatawang ani ko.
("Hoy! Liit di na kita ililibre kapag ipinagpatuloy mo pa Yan!")
Hala! Mukhang Galit na nga hahahaha!
Panu ba naman kasi kung makakapit parang unggoy kala mo naman mawawala ako kapag binitawan nya.
"Nagbibiro lang ako Luke hehe"
("Biro sayo diyan. Oo nga pala hoy Liit! Malapit na pala birthday mo diba? Anong gusto mong regalo?")
Kinabahan ako sa naging tanong nito.
Grabi isang beses ko lang nasabi sa kanya ang birthday ko di na nya nakalimutan.
("Cge na. Kahit ano ibibigay ko")
"Wee?? Di nga! HAHAHA" Natatawang baling ko.
("Sabihin mo na kasi. Pag ako nabagot di na kita bibigyan")
Napaka moody talaga ng unggoy naito.
"Kahit ano. Kung gusto mo naman buong mall bilhin mo hahaha!" Biro ko.
("Sige kung yan gusto mo. Aasikasuhin ko na pag bili ng V mall")
"Hoy! Tumigil ka nga!"
("Haha biro lang. As if naman kaya kong bilhin mall nayun. Di ko naman kasingyaman ang boyfriend mo eh haha!")
Natigilan ako sa sinabi nito.
("Pero kung may maipagmamalaki man ako yun ay--------")
Di ko na narinig dahil napatingin ako sa paligid kung saan mas lalo atang dumami ang tao tsaka parang may pinagkakaguluhan sila.
"Luke. Mamaya nalang kailangan na ako dito eh"
("Sige. I'll call you later")
Call 🔚🤙:
Break time ko ngayon kaya may kapalit na ako.
Kumakain ako ng tumawag si Luke.
Oo nga pala. Sobrang thankful ko kay Luke kasi di nya talaga ako tinantanan hanggang sa sumaya ako nung gabing iyon.
Pero tungkol samin ni Dave? Ok naman.. nag sorry sya.. tinanggap ko naman.
Kasi wala naman mababago pa eh. Tsaka di nya naman kasalanan na may nangyari na emergency.
Pero aaminin ko malungkot parin oo.
"Calling the attention of Ms. Lhezandra Feign?"🔊🔊
Napalaki ang mga mata ko ng marinig ang pangalan ko na in-announce sa buong Airport.
Hala!
Napatayo na ako para alamin kung ano ang meron.
Pero sobrang kinakabahan ako. Ano bang meron?
May ginawa ba ako?
"She's here!"
"Ito oh si Ms Feign!"Turo saakin ng mga kasamahan ko at bigla nalang akong hinila.
Maraming mga tao sa paligid na nakatingin na sakin kaya sobrang kinakabahan ako.
"I'm so sorry Sweetie!"🔊🔊
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...