Chapter 123: Friendship never ends

122 7 1
                                    

THIRD PERSON POV:

❄️A WEEK LATER ❄️

"Azhi! Gising na po!!" Paggising ni Shayne sa natutulog na kasintahan.

"Hmm why baby?"

Nakapikit pang tanong ni Prince at hinagilap ang direksyon ni Shayne hanggang sa mahawakan na nito ang braso ng kasintahan kaya napangiti ito ng malawak habang nanatiling nakapikit.

"Nandiyan na sina Besh sa labas!" Excited na baling ni Shayne.

"So?" Inosenteng tanong ni Prince na hindi nag-aabalang magmulat ng mga mata.

"Azhi kasi— Woy!" Baling nito ng biglang hinila ni Prince kaya sumubsob sya sa may parteng dibdib ng kasintahan.

Aalis na sana sya subalit ipinulupot nito ang mga braso sa kanyang beywang kaya nanatili syang nakadagan sa lalaki.

"It's very obvious how excited you are to see the baby uh?!"Bahagyang pagnguso ni Prince habang tinatamad parin na imulat ang mga mata.

"Bilis na Azhi!" Pangungulit parin ni Shayne sa kasintahan.

'Kanina pa sya gising eh ayaw lang talagang bumangon'Bulong ni Shayne sa utak nito.

"Ayawko!" Baling ni Prince nang hindi pinapakawalan ang kasintahan.

"Wah! Woy!" Sigaw na naman ni Shayne nang kumilos nang bahagya si Prince at inilapag sya sa tabi nito at niyakap lalo.
Kaya naman wala syang pag-asang makaalis sa pagkakahiga.

"Hmm~ saglit lang baby 5 minutes pa please."

Kabadong kabado man si Shayne pero no choice na sya kundi pagbigyan ang hiling ng kasintahan.

______________________________________________

"Kain muna kayo Lheza, Maurine. Mga hijo kain muna kayo" Pag-alok ng mama ni Shayne sa mga ito nang pagkain.

"Thank you po Tita" Pasalamat ni Dave.

"Thanks Auntie" Baling din ni Gael.

IT'S ALREADY 7pm kasi at may usapan sila na sabay² nalang bumalik ng Manila para bisitahin ang kaibigan nila pagkat napag-alaman nila na nanganak na ang kasintahan nito.

(_Jeru's fiancé_)

PERO ayun inutusan kasi ni Prince kanina ang kasintahan na matulog muna para makapagpahinga ng maayos bago ang biyahe nila. Naisipan nya rin na umidlip at hanggang ngayon ayaw pang bumangon sa kama ng kasintahan.

"Sina Cleress po?" Tanong ni Liza.

"Pumunta yun sa kwarto para gisingin si Prince. Di pa ata nagigising si Prince" Baling ng mama ni Shayne sabay lingon sa kwarto.

"Baka nag laloving loving pa—Hoy! Gael ang bibig mo!" Awat ni Maurine sa kasintahan.

"Hahaha lalabas narin ang mga iyon mayamaya. Si Zia pala?"

"Nasa bahay po, iniwan muna namin kila Mama, babalik din po kasi agad kami"

"Ah ganun ba, mabuti naman ng makapag bonding din sila"

"Oo nga po" Nakangiting tugon ni Maurine.

"Musta pala, ilang buwan na ang ipinagbvbvntis mo Maurine?"Nakangiting tanong ng mama ni Shayne kay Maurine.

"Ah eh, 2 months na po"

"Sya ba ang ama?" Turo nito sa direksyon ni Gael.

"Yes po Aunt" Nahihiyang tugon ni Gael.

"Aba! Ang gwapo ah! foreigner. Kaya pala maganda din ang anak nyo, mana sainyong dalawa haha!"

"Hehe thanks for the compliment Auntie— Aray!" Reklamo ni Gael ng hampasin ni Maurine.

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon