Chapter 148: Belittle

81 3 0
                                    

Lhezandra Pov:

"Sweetie, what kind of proposal do you want?"

Parang tumigil sa pagkilos ang mundo ko.

"Huh?"

Nakangiting lumapit si Dave sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"Naisip ko lang, napag-iiwanan na tayo" Nguso nito.

"A-ano ibig mong sabihin?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang gusto nyang sabihin.

"But don't get me wrong sweetie, it's not because naiinggit ako sa kanila. It's just, gusto ko narin.. nasa edad narin naman tayo right?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Inhale! Exhale!

"Uhm, i-ikaw ang bahala.."

"Really gusto mo na? I mean ready ka na?"

Nahihiya akong tumango.

"Thank you sweetie!"

Niyakap ako nito ng mahigpit na tinugunan ko ng mas mahigpit pa.

DALAWANG araw nang kami lang dito ni Dave sa bahay. Wala kasi sina mama, nasa tita ko tutulong para sa darating na fiesta doon sa kanila. Next week pa balik nila. Di na kami sumama ni Dave kasi walang mapag-iiwanan dito sa bahay.

"Ah wait.." Baling nito at lumabas ng bahay.

Kumunot ang noo ko pero napangiti nalang ako.

Week-off ko dahil kay Dave. Di naman pwedeng di ko sya samahan dito sa bahay.

MAYAMAYA lamang ay bumalik na ito na may matamis na ngiti sa mga labi.

"Anong meron?" Natatawang tanong ko.

May kung ano kasi itong tinatago sa likuran nito.

NAGULAT nalang ako ng lumuhod ito sa harapan ko.

"Oy, D-dave— Boyfie anong ginagawa mo?"

Meron itong inilabas mula sa likuran.

Natawa ako ng makitang red santan flower iyon na dinugtong dugtong hanggang sa mag pormang singsing.

"Miss Lhezandra Feign, can you be my wife?"

Kusang tumulo ang mga luha ko saaking pisngi.

Kahit bulaklak lang iyon, sobra akong masaya at nagiging emosyonal na.

"Y-yes, I will hahahaha" Natatawang usap ko kahit nangingilid na ang mga luha ko.

"Thank you" He whispered at dahan dahan na inilagay sa daliri ko ang santan flower ring.

"It's suits you well" Matapos sabihin yun ni Dave ay hinagkan ang kamay ko.

"S-salamat" Nahihiyang pasalamat ko.

"I love you sweetie" Nakangiting baling nito.

Nahigit ko ang hininga sa sinabi nito.

"I-i love y-you too boyfie"

Napapikit ako ng mabilis nitong sinunggaban ang mga labi ko.Napayakap ako sa kanya at tinugunan iyon.

✴️ TIME SKIPPED ✴️

"Cheers!"

Natatawa kong itinaas ang hawak kong glass sabay idinikit sa hawak nya.

"This day is our special celebration! Let's enjoy my fiancé!"

Natatawa ako sa baling ni Dave.

'Lasing na ata ito'

NAGKAYAYAAN kasi kami kanina na mag-inuman para sa celebration daw 'kuno'.

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon