Chapter 89: Version 2.0

92 4 0
                                    

❇️KOREA❇️

Hayateh Ziamara Pov:

"Mama? Bakit di natin kasama si Tita Shin?" Malungkot na tanong ko kay mama.

"Pauwi na sila sa Pilipinas ngayon anak"

Mas lalo akong napanguso.

Kung nandito si Tita Shin di ako matatakot nang ganito.

"Ano ka ba hayateh mag enjoy ka lang dito nasa Korea tayo oh! Maraming Oppa!" Kindat ni mama.

Napangiti nalang ako.

Nandito pala kami sa mansion nina Kuya Prince.

Super ganda dito parang palasyo.

Pero natatakot akong lumabas kaya dito lang ako nananatili sa kwarto namin.

Mga mamahalin ang mga bagay dito kaya ingat lang ako sa mga kilos ko.

***TRING!!***

Napalingon ako sa pinto sakto na bumukas iyon.

Napangiti ako ng makita si Ate Sofhi.. si Sofhi..

Ewan ko kung mag a-ate ako sa kanya o hindi na. Kasi isang year lang naman ang tanda nya sakin. Pero parang mas bata pa syang tingnan kaysa saakin.

Ayst! Sofhia nalang.

"Annyeong! Hayah! Hello pow Ate!" Bati nito sakin at nag beso kay mama.

"They're waiting for you na po outside" Dagdag ni Sofhia.

"Ah cgcge"

Napatango ito tsaka lumapit na sa direksyon ko at naupo sa kama sa tabi ko.

Nilingon ko si mama.

"Oh. Alis na kami anak. Nandito naman si Sofhia"

Hinalikan ako ni mama sa pisngi tsaka tinitigan ako.

"M-mama" Natatakot na pagtawag ko.

"Oh bakit?"

Mabilis na ang pintig ng puso ko.

Natatakot ako.

"K-kasi.."

"Don't be afraid hayah! I'm here.. promise mag eenjoy ka here!"  Usap ni Sofhia at hinawakan ako sa kamay.

Pilit akong ngumiti bago nilingon si mama.

Napatango na ako.

"Sige. Tawagan mo ako anak" Usap ni mama na nagpangiti saakin.

May pupuntahan kasi sila di na ako sinama sabi kasi nung mommy nina Sofhia kanina bonding din daw namin.

"Let's go! I'll show you something"

"Huh?"

Napatayo na ako ng hinila ako nito.

"Come on!"

Nakangiti ako nitong hinila palabas nang kwarto. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang.

Bawat madaanan naming mga maids ay yumuyuko para mag bigay galang saamin.

Ilang palapag ng stairs ang tinakbo namin bago kami huminto sa tapat nang puting pinto.

Ngumiti si Sofhia at binuksan iyon tsaka hinila na ako papasok.

"Wow!" Wala sa sariling usap ko.

Kasi pang castle talaga ang kwarto napakarami din na paintings and designs parang aakalain mo na nasa enchanted ka na.

"What is she doing here?"

Napalingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ng napakalamig na boses.

Napalunok ako ng makita si..

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon