Cleress Xiashin— Lee Pov:
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil iba na ang mga tingin nila saakin.
"Ayiehh!!! Ibig sabihin Clarissa di tayo babalik sa Pilipinas hanggat di mo naibibigay yan?"Si Mawi na ngising ngisi na ngayon.
"H-huh? Ah eh..."
"Pero ang tanong kaya mo ba?"Dagdag muli ni Mawi kaya mas napakagat na ako sa labi ko.
"Kaya yan ni Besh!"
"Oo nga bunso cheer up!"
"Mag papamilktea ako pag nagkataon!"
"Oh! It means if nagawa mo yan Cleress wala ng bahay si Zinayaji?" Si Natasha na nagpatahimik sa lahat muli.
"Hey! Nakalimutan na eh pina-alala mo pa!" Irap ni Yaji na nagpatawa saakin.
"Tsk! That's your fault, magdvsa ka!" Mas lalong pananaray ni Zami.
"I hate you na!" Nguso ni Yaji.
"Tssk!"
Binuksan ko yung isang crunchy snack para makakain.
"Hoy! Bat ba balot na balot ka may lagnat ka ba?"
Napalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mawi.
"W-wala, ang lamig kasi ng aircon hehe" Palusot ko.
"Ang loka mo talaga! Eh bat ba kasi ang lakas lakas ng aircon pahinain mo nga!"
"Huwag na ok na yan" Usap ko.
"Buti naman di kayo nag freeze dito Besh hehe!"
Napangiwi ako.
"Hehe malapit na" Sakay ko.
"Bat naman lalamigin eh ang hot ni Prince!" Rolled eyes ni Yaji na muling nagpakagat saakin sa sarili kong labi.
"Kunti nalang talaga Zinayaji iisipin ko ng type mo asawa ni bunso" Taas kilay ni Ate Mitch.
"Kahit type ko pa yun o ano pa useless lang naman kasi di naman ako mapapansin kaya huwag nalang! Masasayang beauty ko!"
Napatawa ako sa kaartehan ni Yaji.
'Na miss ko yung ganito kami, noong mga nag-aaral pa lamang kasi kami, lagi kaming ganito'
"Nasaan pala si Czyche?"Tanong ko.
"Nag b-b3b3 time sila"Ngusong sagot ni Natasha.
"Ayieh! Marunong ka na nyan Natasha?" Ngisi ni Zinayaji dito.
"B-bakit anong mali sa sinabi ko?"
"Bwahahaha!"
Nakitawa nalang din ako sa kalokohan nila.
"Tara Clarissa mamasyal tayo sa labas!" Biglang aya ni Mawi na nagpalaki sa mga mata ko.
"H-huh? Pero kasi.."
"Oo nga bunso back to work na tayo next week eh! Tara na!"
Mas lalo na akong kinabahan.
"H-hindi p-pwede eh, dito lang daw.." Malungkot na usap ko.
"Binabawalan ka ni Prince?Nagpapa-under ka na ngayon Clarissa? Maniwala sayo! Ayaw mo lang eh!" Irap ni Mawi saakin.
"H-hindi sa ayaw p-pero—"
"Hehhh! Ayaw mo lang eh dami pang palusot"
"Gusto ko Mawi pero— Yun naman pala eh!"
Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Mawi.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...