Chapter 74: Expect the unexpected

90 6 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

Sobrang nanginginig ako habang nasa kwarto ko na at hinihintay si Azhi na pumasok.

'Galit ba sya sakin?'
'Disappointed ba sya sakin?'

Agad akong napa-ayos ng upo at napalingon sa direksyon.

Magkahalong pananabik at takot ang naramdaman ko ng makitang pumasok na si Azhi.

Pansin ko na hawak na nito ang luxury box.

"A-azhi..." Mahinang bulong ko.

Napatingin ito sa direksyon ko, bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata pagkakita saakin at may saglit na pag-aalala na dumaan sa kanyang mga mata pero agad din naging malamig ang mga mata nito kaya nasaktan ako.

"Why are you still awake?" Walang emosyon na tanong nito na mas lalong nanakit saakin.

"A-azhi..G-galit ka po ba sakin??"

"No" Tipid na sagot nito.

Pero hindi ako naniniwala.

"G-galit ka eh.." naiiyak na naman na baling ko.

"Will my anger change what happened?"

Tuluyan nang nangilid ang mga luha ko.

"A-azhi.. sorry po.."

"I will be more angry when I see those tears again"

Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko

Tuluyan na itong nakalapit saakin at inilatag sa bedside table ang hawak na luxury box tsaka naupo sa tabi ko.

Tinignan ako nito ng blankong tingin bago pinahiran ang mga luha ko.

"A-Azhi..."

Di na maipaliwanag ang reaksyon nito.

"L-listen baby.. You're not at fault.. it's just..I can't.. I can't believe that's going to happen." Di makapaniwalang usap nito.

Muli nitong kinuha ang luxury box.

"You touch it which means you accept it.. you accept it w/c means you will follow his order no matter what..." Ibinalik na nito ang luxury box sa table.

Sobrang sikip na lalo ang dibdib ko.

"D-di ko alam *sniff* s-sorry.. s-sorry po A-azhi.. *sniff*" Nagsimula na muli akong umiyak.

"Your tears Shayne, I already warned you. Wipe those tears of yours or I will get even more angry"

Kahit naiiyak ay mabilis kong pinahiran ang mga luha ko.

Gusto ko muling yumakap kay Azhi para makakuha ng lakas.

Pero sa reaksyon nya ngayon ay parang mas lalo lamang akong nanghihina.

Parang napipilitan itong hawakan ang pisngi ko at marahan na pinahiran muli ang mga luha ko.

"Baby, I love you.." Emosyonal nang bulong nito.

Medyo nagkaroon ako ng lakas.

"But because of what happened we can't do anything but to follow my grandfather's order"

Para akong nawalan ng pandinig sa sinabi ni Azhi.

'Namali lang ako ng dinig diba?'

Nanatili akong nakatitig sa mga mata nito pero wala akong mabasa.

"I'm so sorry.." Halos pabulong nalang na dagdag nito habang tinitignan ako ng nakakaawang tingin.

Parang tuluyang naubos ang katiting na pag-asa na natitira saakin.

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon