T A I R I S H
M A M A R I ELunchbreak.
Hindi na pala ako nakakain kagabi dahil sobrang dami ng homework. Sobra tuloy ang gutom ko ngayon kaya kumuha ako ng maraming pagkain. Ang kaso pagka-upo ko bigla naman ako nawalan ng gana.
Agad naman akong tinanong ni Ella nang makarating ako sa table namin.
"Tairish, may problema ka ba? Ang tamlay mo."
"Wala naman tinatamad lang." Sagot ko habang tinutusok-tusok lang ng tinidor ang pagkain ko.
"Hindi nga? First time ko narinig sa'yo 'yan."
Habang nag-uusap kami bigla kaming nakarinig ng bulungan.
"Don't tell me s'ya nanaman ang pupuntahan n'ya."
"Err, what's with her?"
"Oo nga."
"Akala mo kung sino!"
"Remember what she did to him nung nakaraang araw!"
Hindi na namin pinansin ang mga 'yon pero pakiramdam ko parang ako 'yung pinag-uusapan kaya bigla akong naging aware sa paligid.
Nagulat ako pati si Ella nang makita namin si Kurt sa harap namin.
Okay? Ano nanaman ang problema nito?
"Pwede ka ba makausap." Seryoso s'yang nakatingin sa'kin.
Magsasalita palang ako pero agad n'ya akong hinila at tinangay sa paglalakad n'ya.
"T-teka nga---- ano ba."
Hindi n'ya ako pinapansin at patuloy lang sa paghila sa'kin. At sino naman s'ya para basta nalang ako tangayin!
"Wait, Ella!" Pahabol kong salita kay Ella habang hila ako ni kurt
Ano ba kasi talagang problema nito! Hindi ba n'ya alam na gutom na gutom ako!? Nagsisimula palang nga ako magkaroon ng gana tapos sisirain n'ya mood ko? At isa pa, baka kung ano ang isipin ni Ella.
Nakarating kami sa pinakataas ng building ng school at nakaladkad lang naman ako sa hila n'ya.
"Hoy! Anong problema mo!?"
Minasahe ko ang pulso ko na medyo namumula dahil sa mahigpit n'yang hawak kanina. Nakatalikod lang s'ya sa'kin at hindi ako sinasagot.
"Kung wala kang sasabihin aalis na ako!" Tumalikod na ako at aalis na sana nang hawakan n'ya ako sa braso at iharap sa kanya.
"Wait lang! hindi ka pwedeng umalis.."
Nakakatakot 'yung tingin n'ya kaya kinabahan ako bigla. Hindi naman kasi ako sanay sa ibang tao dahil si Ella lang ang kabigan ko sa school na 'to.
"B-Bakit ba!" Pasigaw kong sabi.
Bigla akong itinulak sa pader ni Javier habang hawak n'ya ang magkabilang braso ko. Nilapit n'ya ng mukha n'ya sa'kin at as in isang wrong move ko lang may hindi mangyayaring maganda.
"Hindi ba.. may tutorial ako sa'yo? Nasaan ka kahapon?" Sinabi n'ya 'yon habang nakatingin ng diretso sa'kin.
Ramdam ko na 'yung hininga n'ya sa sobrang lapit ng mukha n'ya sa mukha ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil wala pang lalaking nakakalapit sa'kin ng ganito.
"P-pake ko sa'yo?" Nanghahamon kong tanong pero sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako.
Bakit ba bigla ako natripan ng lalaki na 'to. Marami naman d'yan patay na patay sa atensyon n'ya bakit ako pa 'tong ginugulo n'ya ngayon.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Novela JuvenilKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...