T A I R I S H
M A M A R I EHabang gumagawa ako ng homework ay nakatanggap ako ng isang text. Agad kong kinuha ang cellphone ko at binasa 'yon.
"Hoy! Hindi ba ang sabi mo bukas? Siguraduhin mo lang."
Sino 'to?
Nagtataka akong tinignan ang unknown number na nag text sa'kin nang biglang maalala ko kung kanino ko sinabi 'yon kanina. Tama, kay Kurt nga pala . Agad naman akong nag-reply.
"Saan ang meeting place?" Reply ko.
"Sa Coffee project nalang. Ayoko sa lahat 'yung late." Reply n'ya.
Ang antipatiko talaga nito! Sino bang nahingi ng favor? S'ya hindi ba? Kung tutuusin dapat bayaran n'ya ako dahil humihingi s'ya ng oras sa'kin.
"Bakit ba kasi hindi nalang iba ang kunin mong tutor? Pwede ka naman kumuha ah! Mayaman ka naman!" Reply ko.
"Ikaw gusto ko kaya wala kang magagawa."
Ano daw?! Ako pa walang magagawa? Ang tindi talaga ng lalaki na 'to!
Feeling ko tuloy madudurog 'yung phone ko sa gigil habang nagre-reply sa kanya.
"K." nalang ang response ko dahil wala namang patutunguhan 'tong usapang 'to.
"Goodnight."
Saglit akong napatitig sa last message n'ya at hindi ko alam bakit napangiti ako nang mabasa ko 'yon. Sa pinakita n'ya kasing ugali nitong mga nakaraang araw, hindi ko aakalain na alam n'ya ang bagay na 'to.
Pwede naman pala syang maging mabait kahit minsan.
°°°°°
Nang makarating ako sa mall, agad na akong dumiretso sa Coffee shop na sinasabi n'ya.
"Tara na sa bahay n'yo." Sabi ko nang makalapit ako sa pwesto n'ya.
"Finally.." Tumingin s'ya sa relo n'ya."You're three minutes late."
Grabe! Three minutes lang naman!
"Bakit! Anong gusto mo? Pagbaba ko doon sa sinasakyan ko, lumipad ako dito!?" Singhal ko sa kanya.
"Bakit, kaya mo ba?"
Pilosopo.
"I'll get some coffee, ano ba gusto mo?" Tanong n'ya sa'kin.
"Baka pizza, kasi coffee shop 'to kaya siguro may pizza dito."
Ano ba kasing nandito sa coffee shop?
Inirapan n'ya lang ako at pumunta na sa counter.
Gantihan lang! Ang lakas nya rin naman manira ng araw! Simpleng pagsasalita nga ng maayos hindi n'ya magawa.
Nang matapos na kami kumain ay dinala n'ya ako sa X-cite kung saan maraming arcade and claw machines. Mayroon din maliit na stage at may mga nagkakantahan.
"Hoy! tutor ako hindi ba? Ano namang ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"Saturday naman, gumala nalang tayo." Walang ganang sagot n'ya.
Kahit medyo naguguluhan ako, tumango nalang ako. Gusto ko rin naman magliwaliw ngayon.
Bakit ang bilis gumaan ng loob ko sa taong 'to?
I mean, oo nakakaasar sya. Sobra pa nga. Pero hindi ko alam kung bakit natitiis kong sumama sa kanya. At nasabi ko rin ba na ang gwapo ni Kurt ngayon? Ang gwapo nya pala lalo kapag hindi naka-uniform. Minsan ko lang naman kasi s'ya makita na hindi naka-uniform at pag may event lang sa school dahil natugtog sila. Madalas naman kasi, hindi ako nanunuod ng event.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...