Chapter 28: Don't trust too much.

236 16 26
                                        

R Y O K E N

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ni Tairish?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

Bakit nandito 'to?

Wag mong sabihin na nanliligaw din 'to kay Tairish?

Talo na nga ako kay Kurt tapos may dadagdag pa. Pwede bang hinay-hinay lang sa karibal.

Naghihintay ako ng sagot n'ya pero mukhang wala s'yang narinig at nakatitig lang s'ya sa kapatid ko.

Pagtingin ko naman kay Riye, nakayuko lang 'to.

May hindi ba ako nalalaman sa kanilang dalawa?

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ni Tairish?" Ulit ko.

This time tumingin na s'ya sa 'kin.

"Pasok kayo, tatawagin ko lang sila." Sabi n'ya at nauna na pumasok.

Kailan pa sila naging close ni Tairish? Sila? Sinong sila?

Ang dami kong gustong itanong sa lalaking kabanda ni Kurt pero mas okay siguro kung kay Tairish ko nalang itatanong.

Umupo na muna kami ni Riye sa sofa habang hinihintay si Tairish.

"Okay ka lang? Natahimik ka?" Tanong ko kay Riye na hindi na nagsalita simula nang makaharap namin 'yung lalaki kanina.

"O-oo naman.."

Hanggang kailan ka ba maglilihim sa 'kin, Riye Akemi?

I know her better kaya alam ko kapag nagsisinungaling s'ya.

"Dahil ba doon sa lalaki na 'yon? We will talk about it later, Riye." Seryoso kong sabi.

"Hindi kuya--"

Natigilan kami nang bigla kaming makarinig ng sigaw at halos hindi nakahinga si Riye sa biglang pagyakap ni Tairish sa kanya.

"Riye!! Namiss kita!!"

Tuwang-tuwa s'ya na makita ang kapatid ko. Napaisip tuloy ako.

Ako kaya? Masaya kaya s'yang makita ako?

Ang drama mo, Ryo.

"Hi.." bati ko dahil nakayakap parin s'ya kay Riye na akala mo isang dekada nawala.

Hindi ko alam kung nag exist ba ako sa paningin n'ya kanina.

Dahan dahan na tumingin sa 'kin si Tairish at kinabahan ako nang makita ko na walang emosyon ang mukha n'ya.

May mali ba akong nagawa?

Kahit sana friendship lang namin masalba ko pa, makasama ko lang s'ya.

"Sorry.." agad akong napayuko.

Iniisip ko tuloy kung uuwi nalang ako.

"Ryoken."

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin nang tawagin n'ya ako at hindi ko in-expect na isang nakangiting Tairish ang makikita ko.

'yan.

'yung mga ngiti na 'yan.

kung alam n'ya lang ang epekto n'yan sa 'kin.

Nagulat ako nang bigla n'ya rin akong yakapin at nagsisigaw s'ya na parang bata.

"Ryoken namiss kita! Biro lang 'yung kanina! hahaha, kinabahan ka ba?" Tanong n'ya habang nakayakap parin sa 'kin.

Pwede ko bang ihinto ang oras? I want us to stay like this kahit gaano pa katagal.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon