Chapter 19: Just The Girl.

213 18 19
                                    

T A I R I S H
M A M A R I E


"Saan n'yo ba kasi ako dadalihin ha?" Tanong ko sa dalawang nakakapit sa magkabilang braso ko na si Riye at Ella.

Simula pa kanina 'yang pagiging kakaiba nila. Tapos ngayon naman, hindi ko alam kung saan nila ako gustong dal'hin.

"Sa park lang tayo, masaya doon." Sabi ni Riye.

Park? Ano namang gagawin namin sa park?

"Oo nga, you need some fresh air, masyado ka nang taong bahay." Dagdag naman ni Ella.

Pupunta lang sa park ang dami pa nilang sinasabi!

"Oo sasama ako, kaya pwede bang bitawan n'yo ako dahil hindi kayo magaan." Reklamo ko.

Ngumiti lang sila sa isa't-isa at tumataas baba pa ang mga kilay nila.

kaunti nalang iisipin ko ng nagbibisyo sila.

"Kayong dalawa daig n'yo pa high." Natawa lang sila sa comment ko.

"Ikaw ang magiging high mamaya tignan mo lang." Ella.

Bakit naman ako maha-high mamaya? Teka--

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin sila. Tinignan ko sila ng seryoso at mukhang nagtaka sila kung bakit.

"Maging totoo nga kayo, nagbibisyo ba kayo?"

Mas lalong kumunot ang noo nilang dalawa at kasabay noon ang pagtawa nila na parang ikakagunaw na ng mundo dahil sa lakas. Mga ilang minuto pa pero hindi parin sila natapos sa pagtawa nila kaya mas naghinala ako. Sinamaan ko lang sila ng tingin pero tuloy parin sila sa pagtawa na halos hindi na sila makahinga.

Feeling ko talaga may hindi tama sa dalawang 'to.

Tumalikod na ako at handa na sana na mag walk-out dahil parang wala talaga silang balak tumigil sa kakatawa, pero agad na hinawakan ni Ella ang kamay ko.

"Wait lang, Tairish-- pfft---- nandito na tayo." Sabi ni Ella na mukhang nagpipigil parin ng tawa.

Tumingin ako kay Riye na nakangiti lang at nagpipigil din ng tawa.

"Para kasing may hindi kayo sinasabi sa'kin!" Singhal ko.

"Umupo ka muna d'yan, bibili lang kami ng pagkain." Sabi ni Ella at hinila na si Riye paalis.

"Teka-- iiwan n'yo ako?!" Sigaw ko dahil medyo malayo na sila.

"Babalik kami promise!" Sigaw pabalik ni Riye at tumakbo na sila paalis.

Bakit kailangan tumakbo?

Hindi ko na talaga maintindihan ang dalawang 'yon.

Umupo nalang ako sa may bench at pinagmasdan ang paligid. Nakakapagtaka naman..

Bakit ang tahimik yata ngayon sa park malapit dito sa school?

Palagi namang may tao dito kaya ipinagtataka ko kung bakit walang katao-tao ngayon.

Habang naghihintay ako kay Ella at Riye ay may batang babae na lumapit at may inabot na rose sa'kin na may papel na nakadikit.

Nagtataka akong inabot 'yon.

"Ano 'to?" Tanong ko sa bata pero nginitian n'ya lang ako at tumakbo na paalis.

"Uy!" Habol ko sana pero hindi n'ya pinansin 'yon.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon