T A I R I S H
M A M A R I EHabang naglalakad ako papunta sa studio nila Kurt, hindi ko parin matanggal sa isip ko ang mga binitawan na salita ni Clark kanina.
"Always think before you say yes, Mahirap na."
Parang kanta ang mga sinabi n'ya na tipong na Lss ako. Hindi ko rin maiwasan na maisip si Kurt tungkol doon.
May kinalaman kaya kay Kurt ang mga sinasabi n'ya? Kaibigan n'ya si Kurt kaya hindi ko maiwasan na isipin na ganun nga.
Pero sana naman hindi..
Nang makarating na ako sa pinto ng studio nila ay kumatok ako. Walang nagbubukas pero nakakarinig ako ng kaluskos sa loob.
Ang sabi naman ni Ella dito daw ako dumiretso.
Aalis na sana ako nang may tumawag sa'kin.
"T-tairish, nandyan kana pala!" Sabi ni Mikael na parang galing sa Marathon dahil sa sobrang pawis.
Anong ginawa nito at bakit ganyan ang get-up n'ya?
Nakasuot s'ya ng pang waiter.
"Si Kurt ba nand'yan--"
"T-teka ha--" hindi pa ako tapos sa pagtatanong nang bigla n'yang isara ang pinto.
Anong problema?
Nairita ako sa kawirduhan ni Mikael kaya binuksan ko 'yung pinto pero naka-lock.
Sinubukan ko ulit pihitin at bumukas 'yon pero ang dilim sa loob.
Agad na napukaw ang atensyon ko ng isang batang lalaki na nakatayo sa harap ko.
Pamilyar ang mukha n'ya pero hindi ko maalala kung saan ko s'ya nakita.
"Hello, namumukhaan kita." Sabi ko habang nakangiti.
Umupo ako para mapantayan ko s'ya at hindi ko mapigilan ang kurutin ang pisngi n'ya.
Ang cute n'ya!!
Ang sarap i-uwi!
Hindi s'ya sumagot.
Nginitian n'ya lang ako at nilagyan ng piring ang mga mata ko.
Medyo nabigla ako sa ginawa n'ya pero mas kinagulat ko nang marinig ko ang boses ni Ella mula sa likod ko habang binobohol ang tali sa mata ko.
"Tairish, matagal kong hiling 'to para sa'yo."
"E-ella.. ano ba 'to?" Kinakabahan kong tanong habang inaalalayan n'ya ako sa paglalakad.
Nate-tense ako ng sobra at hindi ko alam kung bakit.
Hindi sumagot si Ella hanggang sa maramdaman ko na inabot n'ya ang kamay ko sa kung sino.
At kahit hindi ko nakikita kung sino 'yon ay kilalang-kilala ko ang may-ari ng kamay na 'yon.
"S-sorry.. kung ang isip bata ko kanina." Rinig kong sabi n'ya.
Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago ako sumagot.
Bakit ba parang kailangan ko ngayon ng oxygen?
"S-sorry din." 'yun lang ang nasabi ko.
Ayun lang naman ang sagot pero bakit parang nakukulangan ako sa sarili kong sagot.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...