Chapter 45: Let's be nothing

169 11 9
                                    

T A I R I S H
M A M A R I E


Kanina pa ako nakatingin kay Kurt na mukhang malalim ang iniisip.

Bigla nanaman n'ya akong hinila dito sa rooftop dahil gusto n'ya daw mapag-isa.

"Gusto mo mapag-isa bakit sinama mo pa ako?" Tanong ko.

Totoo naman hindi ba?

Kung gusto n'ya mapag-isa sana iniwan n'ya nalang ako kila Ella.

"Mapag-isa, kasama ka."

Napatingin ako sa biglaan n'yang pagsasalita. Lumingon s'ya at binigyan ako ng isang ngiti. Naramdaman ko din ang pagkuha n'ya sa kamay ko.

Hindi ko man s'ya tanungin ramdam na ramdam ko na may bumabagabag na kung ano sa kanya.

Hindi ko rin s'ya magawang tanungin dahil mas gusto ko kung s'ya mismo ang magsasabi sa'kin ng kung ano man na gumugulo sa kanya.

"Tairish."

Halos mapalunok ako nang banggitin n'ya ang pangalan ko. Hindi kasi ako sanay na Tairish ang tawag n'ya sa'kin.

"Kurt." Pabulong kong tawag sa pangalan n'ya.

Humarap s'ya sa'kin at kinuha ang dalawang kamay ko at tinignan 'yon.

Inangat n'ya ang tingin n'ya at dahil nakatingin ako sa kanya ay nagtama ang mata namin.

Napakalalim ng tingin n'ya at hindi ko alam pero parang napaka-lungkot ng mga mata ni Kurt ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakalalim ng tingin n'ya at hindi ko alam pero parang napaka-lungkot ng mga mata ni Kurt ngayon.

Walang nagsasalita.

Hindi ko din naman makayanan ang katahimikan kaya nag-isip ako ng sasabihin sa kanya.

"A-ah, mamaya--"

"I love you."

Pabulong n'yang sabi pero sapat na para marinig ko ng malinaw.

Halos manginig ang tuhod ko dahil sa tatlong salitang 'yon.

Hindi pa ako nakakasagot nang higitin n'ya ako at yakapin ng mahigpit.

Ano bang problema, Kurt..

Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako at wala parin nagsasalita sa'min.

kinakabahan ako sa mga kinikilos n'ya.

"Ahm.. hi?"

Sabay naman kaming napalingon nang may magsalita sa pintuan ng rooftop at iniluwa non si Mikael.

Humiwalay sa yakap si Kurt at naka-simangot na humarap sa kanya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito." Asar na sabi ni Kurt kay Mikael.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon