Chapter 43: Stars

151 13 18
                                    

T A I R I S H
M A M A R I E

Class Dismiss.

Masaya ako ngayon dahil bumalik na ako sa dati kong rank. kakatapos lang i-announce kanina ni Ma'am at hindi ko in-expect na ako ulit ang rank one.

Matutuwa nito si kuya kapag nabalitaan n'ya.

Sinukbit ko na ang bag ko at tumayo.

Tumitig naman ako sa upuan ni Ryoken at napabuntong hininga dahil wala nanaman s'ya ngayong araw na 'to.

Gusto ko s'yang makausap pero halata naman na iniiwasan n'ya ako.

I sighed.

Naiintindihan ko din si Ryoken dahil alam kong nasaktan ko s'ya.

Ilang beses ako nag-try pero mukhang hindi pa s'ya komportable na makausap ako dahil siguro nakarating na sa kanya ang balita na kami na ni Kurt.

Isa kasi 'yon sa pinag-uusapan dito sa school at hindi rin ako komportable sa tuwing pagpasok ko ay na sa'kin ang mata ng mga babae dito sa school.

Isa pang iniisip ko, ilang araw nalang din ang natitira para sa anniversary ng Castillones Academy, kung saan kami mag pe-perform. Masaya din ako na medyo nagkakasundo na ang bawat isa sa Rhythm Club.

Maliban nga lang kay Kurt at Axelson dahil sa pangyayari sa'min ni Gwen.

"Namiss mo s'ya?" Biglang sulpot ni Kurt.

Wala sa sarili akong tumango-tango sa tanong n'ya.

"Sige, magsama kayo." Sabi n'ya at naunang lumabas ng room.

Kahit kailan talaga.

Habang tumatagal na nakakasama ko s'ya, mas lalo ko s'yang nakikilala.

Masasabi kong napaka-seloso n'ya dahil kahit 'yung pagkain na kinakain ko kanina grabe daw ako kung tumitig.

Anong gusto n'ya?

Kainin ko ng nakapikit 'yon?

Pero kahit ganyan s'ya natatawa nalang ako dahil para s'yang isang bata.

Lumabas narin ako ng room at nagtaka ako nang makita ko si Kurt sa labas na nakatayo at nakatalikod.

Akala ko ba mauuna na 'to?

"Akala ko nauna kana?" Tanong ko.

Nang marinig n'ya ang boses ko nagsimula na s'yang maglakad.

Kailangan makalabas muna ako bago s'ya lumakad?

Hindi naman halata na gusto n'ya magpapigil ha.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa likod n'ya. Parehas naman kasi kami ng direksyon na pupuntahan.

May practice palagi after class kaya diretso kami sa room ng rhythm club ngayon at nauuna nga 'tong batang kasama ko.

Nang makarating na si Kurt sa tapat ng room, huminto s'ya at hindi agad pumasok kaya nagtaka ako pero tuloy-tuloy lang din ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa pwesto n'ya.

"Bakit hindi ka pa pumasok?"

Hindi s'ya sumagot at umirap nanaman 'yung maganda n'yang mata.

"Basta mauna ka." Kurt.

Nagkibit-balikat nalang ako at naunang pumasok kaya mas lalo s'yang sumimangot.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon