T A I R I S H
M A M A R I E
Tatlong araw ang nakalipas.
Tatlong araw simula nung insidente sa amin ni Gwen. Palagi n'ya akong tinitignan sa room at sa tingin n'ya palang mukhang pinagsisihan naman n'ya ang ginawa n'ya. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko kaya magalit sa kanya.
Kanina pa ako nakatitig sa guitar case ko at ako palang ang nandito ngayon sa studio nila.
Nasaan na ba ang mga 'yon?
After class kami magkikita at thirty minutes na ako dito pero wala parin narating. Hays.. tatlong araw ko pinaghahandaan 'to pero bakit nanginginig parin ang kamay ko.
Dagdag mo pa na may bangs na ako ngayon para matakpan ang band-aid sa noo ko. Hindi ko alam kung bagay ba sa 'kin ang buhok ko.
Nagpasya naman akong libutin muna ang studio nila at napukaw ng isang malaking picture frame ang mata ko.
Picture ng Surfexcuse.
Lahat sila dito nakangiti pwera lang sa isa.
Si Clark Denomin.
Pero kahit hindi s'ya nakangiti, kita sa mata n'ya na masaya s'ya.
Gano'n ba kahirap sa kanya magbigay ng ngiti?
Sunod naman na nabaling ang tingin ko sa kanya.
Rectangle smile.
Ilang linggo ko hindi 'to nakita at sobrang miss ko na 'yon.
Nakakainis lang dahil matapos ng sinabi n'ya sa 'kin sa ospital ay hindi nanaman n'ya ako pinansin.
"Tairish?!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng sigaw.
"Ella!" Takbo ko papalapit sa kanya.
Nagulat naman ako nang tulala s'yang tumitig sa 'kin kaya winagayway ko 'yung kamay ko sa harap ng mukha n'ya.
"Huy!"
"Kyah!!!"
Ako naman ang nabigla at natulala nang bigla s'ya sumigaw at tumalon-talon.
Ano nanaman nakain nito?
"Squishy~" bigla n'yang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at kinurot kurot 'yon.
"A-aray-- Ella, ano ba."
"Squishy~ hihihi~"
Napa-pokerface nalang ako sa ginagawa ni Ella at hinintay ko nalang na s'ya na mismo ang mapagod.
"Ang cute mo Tairish! Bagay sa 'yo ang buhok mo!" Sabi n'ya na kurot kurot parin ang pisngi ko habang ako, naka-pokerface parin.
"Ano na set na ba!? Set na ba!?"
Parehas kaming napalingon ni Ella nang makarinig kami ng maingay na boses mula kay Mikael.
"O, tanga.. kakarating palang natin set na agad." Sagot naman ni Tyler na kasama n'ya.
"Ha! 'yang insecurity mo sa kagwapuhan ko umiral nanaman. Hayaan mo Tyler, kapag gumala tayo hindi na ako poporma para naman pumantay ka sa level ko." Mikael.
"Ul*l ka." Tyler.
"Tama na nga 'yan. Ayusin n'yo na ang dapat ayusin." Natatawang awat sa kanila ni Rafaella.
Ngayong kumpleto na kami mas lalong nadagdagan ang kaba ko dahil mamaya nandito na s'ya.
kanya-kanya na silang kilos ng mga dapat ilagay sa studio.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
