Chapter 17 : The Divergent.

232 22 6
                                    

R A F A E L L A

Kanina pa kami nagkakasabay magsalita ni Shane. Hindi tuloy namin alam kung saan magsisimula ang paguusapan namin.

"Ano--"
"Ano--"

"Ano pala 'yon?"
"Ano kasi--"

And for the Nth time, nagkasabay nanaman kami sa pagsasalita. Medyo awkward na nga ang atmosphere sa pagitan naming dalawa and I don't know why, or siguro dahil may crush ako sa kanya?

"You need something?"

Inunahan ko na s'ya sa pagtanong bago pa kami magkasabay ulit.

"Ano.. kasi.. Ella--"

Bakit ba kasi tense na tense s'ya?

Naglakas loob akong hawakan ang magkabilang balikat n'ya dahil mukha s'yang hindi mapakali.

"Relax, ano 'yun?" Sabi ko at medyo kumalma naman s'ya at nginitian ako.

Agad akong napabitaw sa magkabilang balikat n'ya at pakiramdam ko ako naman ang hindi makahinga. Oh my god! Wala manlang pasabi na ngingiti!

"Ang ganda mo.." bulong n'ya habang nakatitig sa'kin na parang wala sa sarili.

Ano daw? Maganda?

Mali lang ba ako ng rinig o talagang galing 'yon kay Shane? I know i get that a lot. Pero ang isang Tyler Shane Loyola? Telling me that I'm beautiful? Stop.

"A-ano?"

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Parang nabigla din s'ya sa sinabi n'ya at agad na umiling-iling kasabay ng isang awkward na tawa.

Ang weird ni Shane minsan.

Siguro nga nabingi lang ako.

"So, ano pala ulit 'yun?" Ulit ko.

"Kilala mo si Kurt?" Tanong n'ya sa'kin.

"Ofcourse, sino bang hindi makakakilala kay Kurt." Sabi ko.

Malamang kilala ko s'ya dahil minsan narin akong nagkagusto sa kanya. Pero ngayon, i'm sure with my feelings for Shane.

Nakita ko namang napakamot s'ya sa batok n'ya.

"Oo nga naman.."

He smiled again.

Pwede bang tigilan n'ya ang pag ngiti ngiti sa harap ko! Mahirap magpigil ng kilig!

"Ah, ganito kasi.. tutugtog kami nila Kurt para kay Tairish."

Hindi ko napigilan ang excitement ko sa sinabi ni Shane at halos mapatalon pa ako sa tuwa.

"Hindi nga?!" Hindi makapaniwala na tanong ko.

"Oo, ewan ko kung anong kakornihan ang sumapi kay Kurt." Sabi n'ya pa na mukhang naiirita.

Ang cute!!

"Hey.. i think that's cute. Ano palang maitutulong ko?"

Hindi ko maalis yung ngiti ko dahil sa sobrang excite dahil ito ang unang pagkakataon na may lumapit sa'kin para humingi ng tulong na ligawan si Tairish. I'm not saying na hindi s'ya ligawin. Sadyang wala lang maglalakas ng loob manligaw kay Tairish dahil sa straight forward n'yang ugali which is i love the most.

"Kayo na bahala magpunta kay Tairish doon sa lugar na ise-set namin." Sagot n'ya

"K-kami?" Tanong ko na may halong pagtataka.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon