Season Two: Chapter 2

135 6 8
                                    

A X E L S O N


"Nasaan na ba 'yung dalawang lovebirds? Bibili lang daw ng drinks mag-iisang oras na!" Rafaella.

"Oo nga, nauna pa dito si Riye! Hahaha!" Gwen.

Ngumiti lang si Riye na naghahanda ng cake para kay Mikael.

"Ahm.. guys sa totoo lang baka mag-hysterical na si Mikael doon sa Cr. Bakit ba daw natin pa tinakpan 'yung mata n'ya at bakit daw sa lahat ng pag-lalagyan sa Cr. Pa." Kent.

"Nanisi ka pa? Ikaw nakaisip n'yan!" Tyler.

"Ay.. ako ba?" Kent.

"Alam n'yo hindi naman ikakamatay ni Mikael ang paghihintay. Masamang damo 'yan." Cyra.

Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Mga hindi mapakali. May surprise pa kay Mikael at kung mag-usap akala mo hindi sila naririnig sa loob.

Wala parin sila Ryoken at Kurt na nag-paalam bumili ng maiinom namin.

We're having a small celebration for Mikael's birthday.

Hindi ko alam kung paanong naging ganito kami lahat ka-lapit sa isa't-isa.

All i know is.. they're my family.

It's been five years.

Ang dami namin pinagdaanan lahat.

At hindi ko alam kung ang bawat isa sa'min, okay na ba.

Ako, hindi ko alam kung okay na ba ako matapos ng nangyari five years ago.

Tinignan ko si Kent na inaasar nanaman si Gwen.

Iba na ang closeness ng dalawa na 'to.

And i don't even know why it irritates me sometimes.

Mula sa dalawa nabaling naman ang tingin ko kay Riye at napa-buntong hininga nalang.

Dahil lahat kami sa loob ng studio na  'to aware kung sino ang kulang at nawala.

Lahat kami pilit na kinakalimutan 'yon maliban sakanya..

Dahil nakalimot na s'ya bago nya pa malaman ang lahat.

Limang taon na namin s'yang pinapaniwala sa mga kwento namin tungkol sa biglaang pagka-wala ni Tairish.

At hindi ko alam kung hanggang kailangan namin ililihim sa kanya ang nangyari five years ago, lalong-lalo na si Mikael at Ryoken.

Hindi ko sila masisi dahil sa tuwing nakikita namin ang ngiti ni Riye na hindi namin nakikita noon, kahit ako sa posisyon ni Mikael at Ryoken.

Mas pipiliin kong habang buhay na n'yang malimutan lahat.

Lalo na ang lalaking 'yon.

Natigil kaming lahat nang dumating na si Kurt at Ryoken dala ang pinamili nila.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin ng itsura ni Kurt na mukhang hindi maganda ang timpla.

Wala s'yang kinausap sa'min at umupo lang sa sofa. Isinandal n'ya ang likod n'ya at pumikit.

"Nakarating rin! Ang tagal naman!" Tyler.

"Nag-date pa kayo? Umamin na kasi kayo!" Kent.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon