K U R T
R U Z Z L E
"Brian!"
Kanina pa ako sumisigaw dito pero hindi parin lumalabas si Brian. kinakabahan ako, dahil sobrang init ni Tairish at hindi rin ako makapag-doorbell dahil sa lagay namin ngayon.
"Papa.." napalingon ako sa kanya nang marinig ko s'yang magsalita.
"Papa.. miss na kita.." kasabay no'n ang pagtulo ng luha n'ya na hindi ko mapunasan dahil buhat buhat ko s'ya ngayon.
"Sorry." I whisper then kiss her forehead.
Kasalanan ko talaga 'to.
Nasaan na ba kasi si Sean?
Mukhang wala s'ya dito dahil nakapatay lahat ng ilaw sa loob.
Sa tingin ko, kailangan ko na dalihin si Tairish sa 'min.
Aalis na sana ako nang makasalubong ko si Brian na papasok ng gate nila.
"Anong nangyari?!"
Agad s'yang tumakbo papalapit sa 'kin nang makita n'yang buhat ko si Tairish.
"She's sick." Sagot ko.
"Tara dito sa loob, kanina ko pa s'ya hinahanap! Pumunta ako kay Rafaella at Riye pero wala s'ya doon, saan ba kayo galing!?" Sunod-sunod n'yang tanong habang papasok kami sa bahay nila.
"Baka gusto mong ibaba ko muna si Mamarie?" Ang dami n'ya kasing tanong kita ng buhat ko pa si Tairish.
"Sige, i-akyat mo muna s'ya sa kwarto n'ya at ipaliwanag mo kung bakit nagkaganyan 'yung kapatid ko."
Napalunok ako sa sinabi n'ya.
Mukhang alam ko na mangyayari sa 'kin mamaya.
"Tawagan ko ba 'yung doctor namin?" Tanong ko bago umakyat
"Wag na, mabilis talaga lagnatin 'yan. Ako na ang bahala, ibaba mo na s'ya sa kwarto n'ya."
Tumango nalang ako at dumiretso na sa taas nila.
Pagdating ko sa kwarto n'ya ay maingat ko s'yang nilapag sa kama at kinumutan.
"Tch.. bakit kasi hinintay mo ako? Kung hindi ako dumating kanina? Magkasama kayo?"
Sige, Kurt.. kausapin mo pa 'yang tulog para mag mukha kang sira*lo.
Hindi ko maiwasan na titigan s'ya dahil kahit ang putla n'ya ang ganda n'ya parin.
"Sorry talaga."
Yumuko ako para abutin ang noo n'ya pero nagulat ako nang higitin n'ya ako sa leeg at niyakap.
Sh*t.
Baka maabutan kami ni Sean at ano pa ang isipin nun!
"M-mamarie--"
Dahan dahan ko na tinatagal ang kamay n'ya sa leeg ko pero mas hinigpitan n'ya pa ang yakap n'ya sa 'kin dahilan para mas lalo akong tumumba sa kanya.
Damn.. you don't know what you're doing, Tairish Mamarie.
Halos hindi ako makahinga dahil 'yung mukha ko nasa may bandang leeg n'ya.
I can even smell her scent and that's bullsh*t dahil iba ang epekto sa 'kin nito.
"I love you.."
Napatigil ako sa pag-angat at napatitig sa mukha ni Tairish nang marinig ko ang sinabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
