R Y O K E N
"Kurt.. sorry."
Ang unang lumabas sa bibig ko nang lumipat ako sa tabi ni Kurt mula kila Tyler.
Tahimik lang kami na nagpalitan ng tingin nila Axel.
Hindi parin s'ya sumasagot.
"Sorry." Ulit ko.
"Nasa labas pa ba sila?" Halos pabulong na tanong ni Kurt.
Sinenyasan ko si Kent para tignan kung nakaalis na ba si Clark at Tairish. Halos kalahating oras narin naman kaming walang imik dito sa loob.
"Wala na." Sabi ni Kent at tumabi narin kay Kurt.
"Uwi na tayo." Dagdag pa n'ya at umakbay kay Kurt.
Nahihiya ako sa kanya dahil ako ang utak ng plano na 'to at mukhang malala ang naging resulta.
I should have listened to Mikael.
Tumango lang s'ya at tumayo na.
"Let's go." Sabi n'ya at nauna na kaming lumabas.
"Tyler.. sorry rin." Sabi ko naman kay Tyler.
Tumango lang s'ya at mukhang hindi naman n'ya dinamdam ang nangyari kanina.
Napukaw ang atensyon ko ng isang bagay sa lapag.
'yung susi ng speedboat.
Nakita pala nila? Bakit hindi sila umalis?
Siguro tinago ni Kurt.
Kilala ko s'ya.
If ever that he's the one who saw it first, hindi n'ya 'to agad sasabihin kay Tairish.
"K-kagaya ba 'yan nito?" Napatingin naman kami nang magsalita si Rafaella.
The spare key.
"Pa'no 'yan napunta sa'yo?" Tanong ko.
"Actually.. si Tairish ang nag-abot nito, pero wala s'yang sinabi. Inabot na lang n'ya 'yan basta." Rafaella.
Nakita nila 'yung dalawang susi.
Ang gulo.
May naiisip akong bagay na alam ko naman malabong mangyari.
"Tara na ba?" Aya ko sa kanila.
"Tara na, lumabas na 'yung sinundo natin." Tyler.
Tumayo na kaming lahat at agad naman na hinawakan ni Tyler si Rafaella sa kamay, pero parehas silang nabigla. Agad naman na bumitaw si Tyler at nauna na lumabas.
I sighed.
Ang gulo na.
Sumunod narin ako kay Tyler kasabay ni Axel at kagaya kanina, si Kent ang umalalay kay Rafaella.
Hindi parin ako okay sa pagsabi n'ya kay Clark tungkol dito.
Sumakay na kaming lahat sa boat at agad ko naman na tinabihan si Kurt.
I initiate a bro fist na buti nalang tinanggap n'ya.
"So.. you found the two." Simula ko nang magsimula narin paandarin 'tong sinasakyan namin.
Tinignan n'ya lang ako na parang nagtataka sa sinasabi ko.
Pinakita ko sa kanya ang dalawang susi na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...