T A I R I S H
M A M A R I E
Nagulat ako nang paglabas namin ay may tatlong lalaki na nakaupo sa sala nila. Namumukhaan ko ang tatlong 'to dahil nakikita ko sila sa Castillones Academy pero isa lang ang kilala ko sa kanila. Si Tyler Shane Loyola, ang drummer ng banda nila at ang sinasabi ni Ella na bago n'yang nagugustuhan. Mukha naman s'yang mabait kahit hindi ako sigurado. Nasa itsura n'ya kasi na mukhang madali s'yang pakisamahan hindi katulad nitong si Kurt na sa itsura palang halatang suplado na.
"Dude, hindi mo naman sinabi na busy ka pala. Sana hindi muna natin tinuloy 'yung jamming." Pang-asar sa kanya ni Tyler.
Narinig ko naman ang bungisngis pa ng isa nilang kasama na naka-bonnet at medyo pale ang balat. Sa itsura naman ng isang 'to mukhang madaldal s'ya at makulit.
Napayuko naman ako sa hiya dahil sa sinabi ni Tyler. Tumayo s'ya at lumapit sa akin kaya medyo nataranta ako. Friendly man ang dating n'ya, hindi ko parin maiwasan ang kabahan dahil hindi ko naman sila kilala at nakakausap kumpara kay Kurt.
"Kaibigan ka ni Ms. Rafaella, tama?" Tanong n'ya na nagpaangat ng tingin ko.
Kilala n'ya si Ella? May hindi ba nakukwento sa 'kin 'yon?
Kung babanggitin ko sa kanya 'to baka biglang mag hysterical 'yon. Pero on the second thought, wag nalang. Sigurado akong aasarin n'ya lang kami ni Javier at hindi n'ya ako titigilan sa mga ma-issue n'yang tanong.
"Shut up, Tyler." Sabi naman ni kurt na tinawanan lang ni Tyler at bumalik sa upuan n'ya.
Hinila naman ako ni Kurt papalapit sa kanilang tatlo at pinakilala. Mas lalong dumaloy ang hiya sa katawan ko dahil nakatitig na silang tatlo ngayon sa 'kin. Sana lang pagkatapos ng araw na 'to maging invisible parin ako sa paningin nila sa school. Dahil kung sakaling makilala nila ako at pansinin sa Castillones Academy, mas lalong dadami ang maiinis sa 'kin.
"Tairish Mamarie, tutor ko." Mas lalo akong nahiya sa pakilala n'ya sa 'kin.
Pwede namang Tairish Mamarie nalang bakit may tutor pa na kasama.
Narinig ko naman ang tunog ng ngisi ng isa sa kanila. Tumayo ito sa upuan n'ya at naglahad ng kamay sa 'kin.
"I'm Clark.. Clark Denomin." Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Malalim ang titig n'ya sa mukha ko na akala mo sinusuri 'yon. Halos mapalunok ako dahil hindi s'ya nakangiti pero in-offer n'ya ang kamay n'ya sa 'kin. Patuloy parin ang malalim na titig n'ya kaya medyo hindi na ako naging komportable.
May dumi ba ko sa mukha? Bakit ganito makatingin ang isang 'to?
Dahil kung ako ang tatanungin, para s'yang may galit sa 'kin. Para bang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya.
Natauhan naman ako nang magsalita si Kurt.
"Ihahatid ko lang s'ya." Salita n'ya na diretso ang tingin dun sa Clark.
Tumingin naman sa 'kin ang isa sa mga kasama n'ya.
"Take care, Tairish! Ako nga pala ang nag-iisang gwapo ng Surfexcuse, Mikael." Pahabol nito at may kasama pa na kindat.
"Solo agad pangalan, Mikael?" Sabi nung Tyler.
Nakakahiya dahil hindi ako komportable sa kanila at pakiramdam ko ang awkward ko tignan ngayon dahil doon. Pero ganun pa man, ngumiti ako at tumango. Buti nalang at hinila na ako nang tuluyan ni Kurt papalabas.
"Mga sira talaga." Rinig ko pang bulong n'ya.
Napatitig ako sa kamay ko na hawak-hawak n'ya at agad kong binawi 'yon kaya napatingin s'ya sa 'kin. Mukhang alam n'ya kung bakit ko ginawa 'yon kaya agad rin s'yang nag-iwas ng tingin. Palagi nalang bilang nagkakaroon ng awkward silence sa pagitan namin na dalawa.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Roman pour AdolescentsKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
