K U R T
"Oy! Tahimik ka d'yan!" Agad na nabaling ang tingin ko mula sa basong hawak ko patungo sa biglang umakbay sa 'kin na si Tyler.
Mukhang may tama na ang isang 'to dahil namumula na ang mukha n'ya.
"Kahit ngayon lang, Kurt. Magsaya ka naman." Tyler.
Tipid akong ngumiti at pabiro s'yang tinulak.
"Pagod lang ako, sige na bumalik ka na sa Ex mo."
Isang malungkot na ngiti mula kay Tyler nang sabihin ko 'yon habang nakatingin sa direksyon ni Rafaella.
"Kailan ba s'ya babalik sa 'kin? Ilang taon na akong naghahabol." Malungkot n'yang sabi.
Hindi ako sumagot at tinapik na lang si Tyler sa balikat.
Love is bullshit.
Iniwan ko na s'ya at muling bumalik sa rooftop.
Ang ingay sa ground dahil matapos ng Graduation doon narin ginanap 'yung grad ball.
Pag-akyat ko ng rooftop agad akong hinampas ng malamig na hangin. Inilagay ko ang isang kamay ko sa bulsa ko at nang makapa ko ang wallet ko inilabas ko ang isang litrato mula doon at umupo sa isa sa mga bench dito.
Hanggang kailan mo gagawin sa 'kin 'to.
Nandito parin ako.
Akala ko dati 'yung paghihintay kay Natalie ang pinakamasakit na nangyari sa 'kin.
Akala ko masakit na 'yung maghintay ka sa taong may mahal na iba.
Mas masakit pala 'to.
Mas masakit palang maghintay sa taong hindi mo alam kung babalik pa.
°°°°°
Dalawang linggo na.
Wala parin kaming balita kay Tairish.
Kung saan s'ya nagpunta.
Sinubukan kong kausapin si Brian pero wala rin s'yang masagot sa 'kin.
Alam kong may alam s'ya, pero hindi n'ya magawang sabihin.
Dalawang linggo pa lang para na akong mababaliw.
Nawawala ang girlfriend ko at wala akong alam kung nasaan s'ya.
Habambuhay akong babaliwin ng pagkawala n'ya na 'to.
What if it takes forever..
Hindi ko yata kakayanin.
Nandito nanaman ako sa bahay nila Tairish.
Nakaupo sa gilid ng kalsada at nakayuko.
Umaasang may biglang sisipa ng sapatos ko at sisigaw sa 'kin.
Bigla na lang tumulo ang luha ko.
Dalawang linggo narin yata akong ganito.
Agad napa-angat ang tingin ko nang biglang may pares na sapatos na tumayo sa harap ko.
"Tai-- Brian.."
"Wag ka na maghintay, hindi na s'ya babalik sa 'tin."
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
