Chapter 11: Did you forget?

301 30 13
                                    

C L A R K
D E N O M I N


"Ayos na ba ang lahat? 'yung audio ayos na? 'yung mga minus one ng mga auditionees kumpleto na ba? Siguraduhin n'yo lang na kumpleto 'yan." ma-awtoridad na sabi ko doon sa mga nag-aayos na studyante dito sa auditorium para sa pa-audition namin for female vocalist.

Si Kurt ang nakaisip nito. Pwede namang s'ya nalang kahit sawang-sawa na ako sa boses n'ya.

Ang dami talagang alam.

Biglang may umakbay sa'kin na walang iba kung hindi si Mikael. S'ya ang Lead guitarist ng banda.

"Chill, pikunin ka talaga! Hahaha! Ganyan ba epekto ng walang lovelife? Buti pa ako, gwapo lang~"

Siya ang pinaka makulit sa'min at s'ya din ang malaro pagdating sa mga babae. Goodluck nalang sa kanya kapag nakahanap s'ya ng katapat.

"Ayoko lang na may palpak, nasaan na si Kurt at Tyler?" Tanong ko.

Silang dalawa nalang palagi ang late sa mga meeting nitong banda namin.

"We're here. Okay na lahat ng mga auditionees nasa labas na lahat." Sabi ni Tyler na kakapasok lang kasama si Kurt.

Tumango nalang ako at umupo na sa upuan kung saan kami uupo na apat. Hawak narin ni Kurt 'yung folder na may list ng mga pangalan ng mga mag au-audition. Sumunod nadin sila sa'kin sa pag-upo habang isa-isang inabot ni kurt 'yung folder. Apat 'yon dahil lahat kami magbibigay ng score para sa bawat kakanta. 1-10 ang rating. Kung sino ang may pinaka-mataas na score s'ya na ang magiging female vocalist ng banda.

Tumabi na sa'kin si Kurt bago ibigay ang folder na para sa'kin.

"Ready?" Tanong n'ya bago ibigay 'yun.

Nagtaka naman ako sa tono ng boses n'ya pati narin sa titig n'ya.

"Anong tingin 'yan?" Tanong ko.

"Just wait." He said with a smirk.

Agad ko na binuksan 'yung folder.

Twenty pala ang auditionees. At 'yung twenty na 'to, pili na. kumbaga lahat magagaling na dahil dumaan na sila kay Mikael at Kurt. Kaya ang pipiliin nalang namin ay 'yung pinaka-magaling.

"Dude.. may isa akong gusto dito sa mga mag auditionees, ang ganda ng boses pati mukha maganda." Sabi naman ng katabi kong si Mikael.

Napakahilig talaga ng gago na 'to.

"Lahat naman ng babae na tingin mo maganda gusto mo." Tumawa pa s'ya sa sinabi ko.

Tinignan ko 'yung folder at nagtaka ako kung bakit walang pangalan 'yung pang lima na kakanta.

"Kurt, bakit walang pangalan 'to?"

"Surprise." Sagot n'ya na wala manlang emosyon.

Hindi ko nalang 'yon inintindi dahil pumasok na 'yung unang auditionee kaya nag-focus nalang ako sa pakikinig.

°°°°°

R I Y E
A K E M I


I'm nervous..

Nandito ako ngayon sa labas ng auditorium ng bago kong school and i'm about to audition for female vocalist of Surfexcuse.

And it's because of him.

Kaya din ako lumipat sa school na'to dahil lang sa kanya.

I'm Riye Akemi Ishikawa, Ryoken's sister. Isang taon lang ang tanda sa'kin ni kuya at ngayon, Junior high na ako habang sila Senior high. Nung una against si kuya sa paglipat ko dito. Tinatanong n'ya ako kung anong reason ko at ang sinabi ko lang, dahil gusto ko s'ya makasama pati narin si Tairish.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon