R A F A E L L A
Nandito kami ngayon ni Riye at Tairish sa Canteen.
One week na ang nakalipas simula nung surprise ni Kurt kay Tairish.
Ang buong akala ko magiging official na sila but it turns out na mas lalo silang hindi nagpansinan.
One week na silang hindi naguusap at one week narin tahimik si Tairish.
Kinakausap n'ya ako pati si Riye pero ibang-iba s'ya ngayon. Sasagutin n'ya lang 'yung mismong tinanong mo sa kanya.
Nagulat din naman ako na hindi rin s'ya pinapansin ni Kurt. Kung daanan nila ang isa't-isa ngayon parang hindi sila magkakilala.
Ako at si Riye nalang din ang pumupunta sa studio dahil kapag aayain namin si Tairish sasabihin n'yang may gagawin pa s'ya.
I sighed.
Nakakamiss din ang bonding namin kasama sila Tyler.
Speaking of Tyler. Hanggang ngayon hindi ko akalain na nag-confess s'ya sa'kin. Pagkatapos n'ya sabihin na liligawan n'ya ako, sinabi n'ya na matagal n'ya akong gusto. Hindi ko ma-explain 'yung saya ko nung araw na 'yon dahil finally, nakalabas na ako sa one sided love squad.
But i feel guilty for Kent.
Patuloy parin s'ya kahit sinasabi kong gusto ko si Shane. Wala s'yang ginawa kung hindi ngitian lang ako kaya mas lalo akong kinakain ng guilt.
"Wala ba talagang sasagot sa inyo? Ano ang rank n'yo?" Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Riye.
"Ah, ako rank six. Sana ma- maintain ko sa second grading." Nakangiti kong sagot kay Riye.
"Unfair! I'm trying my best pero rank eleven lang ako! Hindi ako makapasok sa top ten.. aish, napaka-unfair ng buhay." Sabi n'ya habang naka-pout.
Napaka cute n'ya talaga.
"Pasado naman 'yun."
Mukhang hindi ko s'ya nakumbinsi sa sinabi ko dahil lalo s'yang nag-pout.
Cute.
"Ella, balita ko kay Mikael may something sa inyo ni Tyler, uy~ hindi ba crush mo 'yun?" I blushed when Riye teased me.
Napakadaldal talaga ng Mikael na 'yon.
"Bakit? Parang kayo ni Mikael wala.." pang-asar ko pabalik.
Ngumiti lang s'ya sa sinabi ko.
Sa pag-uusap namin ni Riye nawala sa isip ko si Tairish na tahimik na kumakain at akala mo hindi namin kasama.
Tinuro ko s'ya kay Riye at kagaya ko, she sighed.
Hanggang kailan ba s'ya ganyan?
Miss na miss ko na ang bestfriend ko.
"Ah, Tairish.. anong rank mo?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan n'ya muna ako sa mata bago sumagot.
Her eyes..
Ibang-iba s'ya tumingin ngayon.
"Rank four." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi n'ya.
First time n'ya maging rank four.
She's always rank one since first year.
"Ah, good.. kaya mo bawiin 'yan! Ikaw pa ba."
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Novela JuvenilKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...