T A I R I S H
M A M A R I ESpell awkward.
N-g-a-y-o-n.
Ewan ko kung ako lang 'yung awkward pero mukhang ako nga lang talaga.
Ang saya-saya kasi ng paghuusap nila Mama, kuya Sean, at 'tong Kurt na'to. Tinitigan ko lang s'ya habang masaya s'yang nakikipag-usap kay Mama.
Ano ba nangyari dito? Naumpog tapos nakalimutan lahat?
"Tairish, bakit ang tahimik mo?" Agad kong iniwas ang tingin ko kay Kurt at ibinaling 'yon kay Mama.
"P-po? Ah, hindi lang po kasi maganda ang pakiramdam ko." Sinabi ko 'yung huling sentence ng nakatingin kay Kurt at ang hirap magpigil ng inis kasi kanina pa talaga s'ya nangisi.
"Sana nag-text ka sa'kin kanina para naasikaso kita."
Napa-wow nalang ako sa utak ko dahil sa sinabi ni Kurt.
Pakibigyan nga ng award sa pag acting ang lalaking 'to. Masyadong magaling nakakaproud.
"Sweet." Bulong sa'kin ni Mama.
kung alam n'ya lang.
"Hindi na, ayoko naman kasing abalahin ka pa dahil mukhang napaka busy mo kanina." Nilagyan ko ng diin 'yung word na kanina at nakakainis lang dahil nakikita ko sa mata n'ya na natatawa s'ya.
Sa tingin n'ya ba natutuwa ako sa kanila ng kapatid ko?
Ibinaling ko ang tingin ko kay kuya Sean at katulad ni Kurt, ganun din ang itsura n'ya.
Aish, magsama sila!
Bigla naman nag-ring ang phone ni Mama at nag-excuse s'ya sa'min para umakyat yata sa taas.
Pagkalabas ni Mama ng kusina 'yung ngiti ni Kuya Sean biglang nawala at napalitan 'yon ng napaka-seryosong mukha.
Minsan hindi ko alam kung seryoso pa ba talaga si Kuya.
"Anong problema n'yo?" Hindi ako sumagot at kumain nalang ulit.
Bahala sila mag-usap d'yan mukha naman silang magkasundo at ako 'yung walang kaalam-alam dito.
"Lalabas na muna ako."
Hindi na ako nag-abala pa na tignan silang dalawa at dumiretso nalang sa garden ni Mama.
Bahala sila mag heart to heart talk d'yan.
Malapit na sana ako doon nang makita ko si Mama.
Akala ko ba sa taas s'ya pupunta?
Babalik nalang sana ako sa loob nang marinig ko ang pangalan ko.
"Ilang beses kong sasabihin na hindi ko ibibigay sa'yo si Tairish."
Sinong kausap ni Mama? Si Papa?
"Simula nung araw na 'yon wala kanang anak sa'kin, kaya wag mo na kami guluhin."
Mukhang si Papa nga.
Tinignan ko si Mama at halatang galit na galit s'ya sa pakikipag-usap kay Papa. Sigurado ako na tungkol nanaman sa pagkuha sa'kin ni Papa ang pinagtatalunan nila. Gusto kasi n'ya na doon na ako tumira sa kanila pero kahit anong gawin n'ya hindi mangyayari 'yon.
Kahit mahal ko s'ya hindi ko parin s'ya mapatawad sa lahat ng nagawa n'ya sa pamilyang 'to.
Pinagmasdan ko lang si Mama habang naghihina s'yang napaupo sa bench. Alam kong takot si Mama kay Papa dahil hindi ko naman itatanggi na may kapangyarihan talaga ang tatay ko. Ang alam ko may business s'ya pero hindi ko alam kung gaano ba kalaki 'yon.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...