Chapter 47: Borrowed Time

149 10 22
                                    


T A I R I S H
M A M A R I E

"Pwede ba kitang makausap?"

Hindi agad ako nakasagot sa kanya.

Clark Denomin.

"A-ano namang pag-uusapan natin?" Tanong ko.

Ngumiti s'ya.

"Wag ka ngang kabahan, may sasabihin lang ako." Natatawa n'yang sabi.

Halata bang kinakabahan ako?

Hindi ko din naman kasi alam kung bakit ganito ako sa kanya.

"A-ah.."

"Mamarie."

Agad akong napalingon sa tawag na 'yon. At doon, nakita ko si Kurt na dala ang bag ko.

Agad s'yang lumapit sa'kin at hindi ko maintindihan kung bakit bigla n'yang ipinulupot ang braso n'ya sa bewang ko.

Nakatingin sila ni Clark isa't-isa na akala mo nag-uusap. Naka-ngisi si Clark habang si Kurt, seryoso lang.

"Tsk tsk.." natatawang umiling-iling si Clark. "May sasabihin sana ako sa girlfriend mo."

Mas lalong humigpit ang kapit sa'kin ni Kurt. Nabitawan narin n'ya 'yung bag ko na mukhang hindi n'ya namalayan.

"Kaso.. mukhang uuwi na kayoSabay ba kayo?" Tanong ni Clark.

Hindi sumasagot si Kurt at nakatingin lang ng diretso kay Clark.

Ano bang problema n'ya?

Ako nalang sana ang sasagot kay Clark pero narinig ko na ang boses ni Kurt.

"Oo, uuwi na kami. Nag-uwian na kasi sila sa taas." Sagot ni Kurt.

Bakit ba napaka-pormal nila sa isa't-isa?

Nung mga nakaraang araw din halos bihira sila mag-usap. Kapag kailangan lang talaga.

Muling ngumiti si Clark at lumapit sa'ming dalawa ni Kurt.

"Sige, ingat kayo." Sabi n'ya at tinapik ang balikat ni Kurt.

Nilagpasan na kami ni Clark habang si Kurt, nakatulala lang.

Unti-unting lumuwag ang kapit n'ya sa'kin at nagpakawala s'ya ng isang malalim na paghinga.

Humarap s'ya sa'kin at ngumiti.

"T-tara? Umuwi na sila." Napatingin naman s'ya sa bag ko na nasa sahig at agad n'yang pinulot 'yon.

"S-sorry."

Kinuha ko naman ang bag ko at sinukbit na.

"Kurt."

"Uhm?" Tumingin s'ya sa'kin pero agad n'ya din iniwas.

Hindi s'ya makatingin sa'kin ng diretso.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon