Season Two: Chapter 6

86 5 16
                                    

R Y O K E N

Nandito kami ngayon ni Tyler sa taas ng kwarto ko at nagtatalo. Nagulat kasi ako nang malaman na pinatawag n'ya lahat ng girls maliban kay Riye.

"Nag-iisip ka ba?" Tanong ko.

Hindi s'ya sumagot at inirapan lang ako.

"Kumplikado na nga hindi ba? Bakit nag-desisyon ka bigla?" Dagdag ko.

Pigil na pigil ang galit ko habang kausap si Tyler ngayon na kalmadong nakaupo sa dulo ng kama ko.

Nand'yan na sila Rafaella at Cyra na tinawagan ni Gwen kanina, na biglaan din dumating dito.

"Ayoko na magsinungaling sa kanila. Tama na 'yung nagsinungaling tayo kay Riye. Pero Ryoken naman.. pati ba naman sa kanila?" Tanong n'ya at seryoso akong tinignan.

"I know what you're thinking, Tyler. Dahil ba kay Rafaella?" Tanong ko.

Hindi s'ya nakasagot at yumuko nalang. Wala naman akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at tabihan s'ya.

"Alam ko naman.. sorry, if i'm being one sided again. Pero kasi, Bro.. Alam mo naman na hindi papayag ang dalawang 'yon. Lalo na si Rafaella." Sabi ko.

"Pa'no kung pumayag s'ya? We should take the risk of telling them kaysa magkaroon nanaman tayo ng bagong kasinungalingan. Ang dami kong kasalanan, Ryoken. Lalo na kay Cyra."  Tyler.

Katulad ko, desperado narin s'ya.

Sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto at bumungad si Axel.

"Iniwan ko saglit si Mikael at Kent sa kanila." Axel. "I bet we should not tell them." Dagdag n'ya.

Walang nagawa si Tyler kung hindi ang bumuntong hininga nalang.

"Bro.." Lumapit ako at umakbay sa kanya.

"Hindi ko lang kaya magtago pa kay Rafaella ng mga ganitong bagay. Malaking bagay 'tong pina-plano natin." Tyler.

I let out a deep sighed.

"Kayo ba? for me, much better not to tell them." Axel.

Wala na kaming nagawa na tatlo kung hindi ang bumaba na ulit dahil naririnig nanamin ang sigaw nila Mikael sa baba.

Piniga ko muna ang balikat ni Tyler at binigyan s'ya ng isang tipid na ngiti.

Hindi s'ya ngumiti pabalik at naiintindihan ko 'yon.

I know how frustrating it is, trying to have someone you love back again.

Pagkababa namin kalmado lang na nakaupo sa kani-kanilang pwesto sila Rafaella.

Kent with Gwen and Cyra with Mikael on her side.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon