Season Two: Chapter 9

88 6 4
                                    

T Y L E R

Kinakabahan ako habang hinihintay ngayon si Rafaella dito sa sala nila.

I'm here to tell her about the plan.

Hindi ko na kaya.

Hindi ko kayang umakto ng normal kapag kasama ko s'ya habang tinatago ko lahat ng 'to.

"Shane.. kumain kana?"

Agad akong napatayo sa sofa nang dumating si Ella at sinalubong ko s'ya ng yakap.

Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko, looking worried.

"Are you okay?"

I sighed then slowly nodded.

Umupo na kami at hinawakan ko ang mga kamay n'ya.

Nakatingin lang ako doon at hindi ko s'ya matignan sa mata dahil sa kaba.

"I want to tell you something.." Simula ko.

Naramdaman ko ang kaba n'ya nang sabihin ko 'yon.

I finally look her in the eyes.

"Si Tairish at Kurt, magkasama sila ngayon."

She immediately smiled.

At sa pag ngiti n'yang 'yon parang ayoko na ituloy ang sasabihin ko.

She got me wrong.

"Magkaayos na sila?" She asked me, hoping.

Umiling lang ako at yumuko.

"I'm sorry.. hindi ko agad sinabi sa'yo.."

Pagkasabi ko non, agad s'yang bumitaw sa'kin.

"Shane.. hindi kita maintindihan."

Kinuha ko ulit ang kamay n'ya at hinawakan 'yon ng mahigpit.

Ayoko ng pakiramdam sa tuwing binibitawan n'ya ang kamay ko

"I lied. May plano si Ryoken.. i mean, kami, we're all in this--"

"Except me?"

Nadagdagan ang kaba ko nang makita ko ang reaksyon n'ya.

"No.. no.. Ella, hindi lang ikaw. Si Cyra, Riye, pati narin si Gwen." Sagot ko.

"Kaya pala ang weird mo nitong mga nakaraang araw."

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Ella at nataranta ako nang makita ko ang nagbabadya n'yang luha.

"Sorry.. sorry.." paulit-ulit kong sabi habang nakasubsob sa kamay naming dalawa.

Hindi s'ya nagsasalita kaya mas lalo akong kinakabahan.

"We set them up.. in an isolated island. May resthouse sila Ryoken doon. And we left them there, hoping na magkaayos 'yung dalawa." Paliwanag ko.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon