Chapter 7: You still have me.

289 31 7
                                    

K U R T
R U Z Z L E

Nakababa na si Tairish pero nakahawak parin ako sa paa ko. Medyo masakit 'yung pagkakatapak n'ya pero kahit ramdam na ramdam ko 'yon hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan ang matawa nalang.

kakaiba talaga 'yung babae na 'yon.

Siya lang ang bukod tangi na nanigaw, nagsungit, at nanakit sa'kin ng ganyan. Lahat halos ng babae dito walang lakas ng loob na ganyanin ako tapos s'ya kung tapakan lang ako gano'n nalang? Aaminin ko na medyo amazed ako sa kilos n'ya dahil sa unang pagkakataon may tumuring sa'kin na normal lang akong studyante dito bukod sa mga kabanda ko. Madalas kasi, kahit kausapin o pagtanungan lang ako hindi nila magawa ng maayos.

Nag-angat naman ako ng tingin sa naglahad ng kamay sa'kin para tulungan akong tumayo.

Clark, Natalie's Twin Brother.

Siya rin ang Bass guitarist ng banda at s'ya lang din ang may alam ng plano na binuo ko. Mali pala,

binuo naming dalawa.

S'ya ang pinaka utak at ako naman ang bahala sa gawa.

"Anong ngiti 'yan." Clark.

"Text mo nalang ako kung anong oras jamming mamaya." 'yun nalang ang sinabi ko at aalis na sana nang magsalita pa s'ya.

"Wag mong biguin ang kapatid ko, Kurt." pahabol n'ya.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis sa tono ng salita n'ya.

Sumagot ako nang hindi s'ya nilingon.

"Wag mo akong pangunahan, Clark. I know what i'm doing." Sagot ko at nagsimula nang maglakad ulit.

"Gusto ko lang ipaalala." Pahabol n'yang sabi.

Hindi ko na s'ya pinansin at tuluyan nalang na bumaba. Hindi tuloy mawala sa isip ko ang huling sinabi n'ya at hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilt sa pagiging masaya ko sa kilos ni Tairish. Naiintindihan ko naman si Clark. Alam kong s'ya ang pinaka nahirapan sa nangyari noon.

Kung galit ako sa nanakit kay Natalie mas lalo naman si Clark.

Hindi ko s'ya masisi dahil nawala si Natalie sa kanya na wala manlang s'yang nagawa. Sinisisi n'ya rin ang sarili n'ya dahil hindi n'ya nagawang protektahan ang kapatid n'ya.

Wag kang mag-alala, Nat..

I'm getting there.

°°°°°

T A I R I S H
M A M A R I E

Agad kong hinanap si Ryoken dahil nangako ako sa kanya na susunod ako. Mukhang nagtampo s'ya kanina sa naging desisyon ko. Iniisip ko lang naman na baka lumala pa kung hindi ko kakausapin si Kurt dahil knowing him napakakulit n'ya at sigurado akong hindi s'ya titigil kanina kung hindi ko pinauna si Ryoken.

"Asan na 'yun.." bulong ko habang hinahanap s'ya.

"Tairish!"

Agad ko na hinanap 'yung tumawag sa'kin, at pagtingin ko nandoon si Ryoken habang nakatayo malapit sa isang table. Mayroon narin pagkain sa magkabilang side. Mukhang binilihan nanaman n'ya ako. Parati ko naman sa kanya sinasabi na wag na s'yang mag-abala dahil may budget ako para sa food pero talagang makulit din ang isang 'to. At isa pa, hindi ko na talaga natatanggihan kapag nasa harapan ko na lalo na kung pagkain.

"Ryo, pasensya kana." Sabi ko pagkalapit ko sa kanya

"Okay lang."

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon