(A/n: Muling nagbabalik~ hahahaha Annyeong! Medyo natagalan po kasi ang hirap bumangon sa hukay matapos mamatay sa Fire MV ng Bts. Siguro sa Save Me mamatay ako ulit. hahahaha! Enjoy reading! ❤️)
°°°°°
T A I R I S H
M A M A R I E
"Tairish, please be my girlfriend."Agad na napa-angat ang tingin ko kay Kurt. Hindi ako makasagot at kita ko ang kaba sa mga mata n'ya.
Hindi rin ako makapag-isip ng tama.
Parang hindi nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi n'ya.
Alam kong may nararamdaman ako para sa baliw na lalaking 'to at siguro nga oras narin para buksan ko ulit ang sarili ko.
"Kurt.." nanginginig ang labi ko sa pagsasalita at hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Ano ba Tairish sasabihin mo lang.
Sasagot na sana ako nang makita ko si Clark sa likod n'ya na nakangisi at nakatingin sa direksyon namin. Unti-unting s'yang naglakad palayo hanggang sa hindi ko na s'ya matanaw.
Mukhang napansin ni Kurt na nakatingin ako sa likod n'ya kaya lumingon s'ya.
"Bakit, Mamarie?" Tanong n'ya pagkaharap n'ya sa'kin.
"Ah, Kurt."
Always think before you say yes. Mahirap na.
Muling nag-echo sa isip ko ang sinabi ni Clark at sa isang iglap hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko kay Kurt.
"Mamarie?"
Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko at hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang tinabig ang kamay n'ya.
"S-sorry.. kailangan ko na umuwi."
Nagmadali akong lumakad pero hindi pa ako nakakalayo nang mahawakan ni Kurt ang braso ko at hinarap sa kanya.
"Mamarie.. bakit? Nabigla ba kita?" Tanong n'ya na para bang gulong-gulo.
Kahit naman ako naguguluhan sa sarili ko.
"W-wala-- hinahanap na ako ni Kuya." Sabi ko at tumalikod ulit pero hindi pa ako nakakahakbang nang harangan n'ya ang daanan ko.
"Ihahatid kita."
Tumingin ako ng diretso sa kanya at nakita kong nabigla s'ya sa tingin na ibinigay ko.
I can't help myself from being like this.
Isang pagkakamali o hinala lang, bigla nalang akong lalamig at nawawalan ng pakialam.
"Uuwi na ako." Sabi ko at tuluyan na s'yang nilampasan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko na nagawang lingunin pa si Kurt.
Kanina sobrang saya ko ngayon naman hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sobrang takot ng dahil lang sa sinabi ni Clark. Malakas ang pakiramdam ko na tungkol kay Kurt ang sinabi n'ya at sa tingin ko 'yun ang kinakatakot ko.
Bakit n'ya kailangang sabihin sa'kin 'yon?
Niloloko ba nila akong lahat?
Mangyayari nanaman ba sa'kin 'yon?
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Novela JuvenilKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...