T A I R I S H
M A M A R I EAgad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock ko dahilan para malaglag ako sa kama. Nitong mga nakaraang araw hindi maayos ang tulog ko at hindi ko alam kung bakit.
Umaga nanaman. Papasok nanaman. Panibagong araw nanaman.
Bago ako bumangon tinignan ko muna ang phone ko at doon mayroong sampung messages. Tatlong message doon ang inuna kong basahin.
From Ella:
I miss you!
Miss ko narin s'ya. Kailan kaya ang balik nitong babae na 'to? Marami s'yang kailangan malaman at marami rin akong kwento sa kanya tungkol kay Tyler. Siguro akong tatalon s'ya sa tuwa kapag nalaman n'yang nabanggit s'ya ng crush n'ya.
From Kurt:
Morning.
From Ryoken:
Good Morning, sabay tayo pasok? :)
Grabe 'tong dalawang 'to, ang aga mambulabog. At ano naman ang nakain nitong si Kurt at bumati sa'kin. Pati ba naman good kinatamaran i-type. Kung kay Ryoken naman kasi sanay na ako dahil palagi naman kaming sabay. Araw-araw ko na inaasahan ang message n'ya na 'to kaya hindi na ako nagulat.
Hindi nalang ako nag-reply sa kanilang dalawa at tumayo na para maghanda sa pagpasok.
°°°°°
Papalabas palang ako ng bahay nang marinig ko na busina ng kotse ni Ryoken.
"Good Morning." Bati n'ya nang makapasok ako sa kotse n'ya.
"Good Morning." Bati ko pabalik.
"Kung isabay narin natin si Brian, nand'yan pa ba?" Tanong n'ya.
"Ah, nakaalis na si Kuya. Mas maaga ang schedule ng pasok n'ya sa'tin."
"Sige, tara na. Matutuwa ka sa makikita mo mamaya."
In-start na n'ya ang kotse at nagsimulang mag-drive.
"Ano naman 'yon?"
"You'll see.."
Tumango-tango nalang ako.
Ano kaya 'yon?
Bakit naman ako matutuwa? Pagkain ba 'yon?
Habang nasa kalagitnaan naman kami ng byahe, bigla s'yang nagtanong.
"Kamusta kahapon?"
"Kahapon?" Tanong ko pabalik.
"Alam mo na... 'yung lakad n'yo ni kurt."
"Ah... ok naman. Hindi naman kami gumala, doon lang kami sa bahay nila."
"S-sa.. bahay nila? Anong ginawa n'yo?" Sabi n'ya habang nauutal.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Fiksi RemajaKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...