Chapter 50: As long as you're with me

140 9 9
                                    

T A I R I S H
M A MA R I E

S

embreak na.

Iang araw lang din kaming pumasok matapos nung event at dumating narin ang sembreak.

Buti na nga lang dahil nakakapagod pala pagsabayin ang academics sa pagsali sa rhythm club.

Wala rin akong masyadong contact kila Riye at Gwen maging sa iba, dahil si Kurt at Ella lang ang laman ng phonebook ko.

Natural na araw lang sana ngayon pero biglang nag-text sa'kin si kurt at makikipag kita daw s'ya. Kanina parin s'ya tawag ng tawag sa'kin at tanong ng tanong kung mayroon daw ba akong naalala.

Kurt Calling..

Speaking of Kurt, 'to nanaman ang tawag n'ya.

(Wala ka ba talagang maalala?)

Bungad n'ya gamit ang malungkot na boses.

"Kung sinasabi mo kaya para maalala ko."

(Yah! Sobra kana! Bakit hindi mo maalala!?)

Sigaw n'ya sa kabilang linya.

Ano nanaman ba nakain ng lalaking 'to.

(Oo na, basta pumunta ka sa park n'yo mamaya. Exact seven pm.)

Hindi pa man ako nakaka-sagot nang ibaba na n'ya. Mukhang bad mood na bad mood s'ya sa hindi ko maalalang bagay na 'yon.

Hay, nakapag-ayos na nga. Hapon narin naman.

Mag-aayos na sana ako para mamaya nang biglang kumatok si Kuya Sean sa pinto.

"Tairish?" Tawag ni kuya.

"Pasok po."

Pumasok si Kuya at saglit na tumingin sa'kin.

Medyo nagtataka lang ako dahil hindi katulad ng palagi kong nakikita sa kanya, walang gana ang itsura n'ya ngayon.

"Kuya, may sakit ka ba?" Tanong ko.

Tipid na ngumiti si Kuya at tumabi sa'kin.

"Hindi mo naman gusto sumama kay Papa hindi ba?" Tanong ni Kuya.

Bakit bigla n'yang natanong?

"Bakit kuya? Nag-usap nanaman ba kayo ni Papa?"

Umiling-iling s'ya at tipid ulit na ngumiti.

"Kahit anong mangyari susuportahan ko kayo ni Kurt." Kuya Sean.

Kahit nagtataka ako sa mga sinasabi ni Kuya, ngumiti nalang ako at niyakap s'ya.

"Maraming salamat.. kuya."

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon