T A I R I S H
MA M A R I E
Kanina pa kami paikot-ikot dito sa buong campus pero hindi parin namin nakikita si Riye. Hindi rin s'ya matawagan ni Ryoken. Nasaan na ba ang babae na 'yon? Miss na miss ko na 'yung kakulitan n'ya.
At dahil nga hindi namin makita kung saang lupalop nagpunta si Riye ay naisipan nalang namin ni Ryoken na kumain. Gutom narin kasi kami, lalo na ako.
"Huy! Ano na kakainin mo?" Tanong ni Ryoken nang makarating kami sa canteen.
"Ako dapat magtanong n'yan dahil may atraso ako sa'yo. Anong gusto mo? Treat ko." Sabi ko sa kanya.
Agad naman s'yang ngumiti, 'yung mala-asong smile.
"Oo nga naman, ibig sabihin sagot mo na 'yung food ko araw-araw?"
Ang yaman yaman naman n'ya!
Basta talaga kaibigan mahilig sa libre.
"Hoy! Ngayon lang! Napaka mo talaga wala akong pera! Ikaw ang anak mayaman d'yan."
Agad naman s'yang natawa sa pagsigaw-sigaw ko. Tanghaling tapat pinapataas pa dugo ko nito!
"Hahaha! Oo na... gusto ko 'yung ---"
Hindi na natuloy ni Ryoken ang sasabihin n'ya nang biglang may bumangga sa kanya.
"Excuse me nga! Kung anu-ano inuuna, hindi nalang bumili agad."
Si Kurt pala. Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa pagbangga n'ya kay Ryo. Minsan talaga napaka isip bata n'ya.
"Kailangan ba talagang mangbangga."
Halos matumba kasi si Ryo sa pagkakabangga ni Kurt. Pati nga rin ako muntikan na.
Inirapan lang ako ni Kurt at umalis na matapos bumili. Galit nanaman sa mundo 'yung nilalang na 'yon.
"Ewan ko talaga kung anong problema nung taong 'yon." Sabi ko nalang.
"Ganyan talaga kapag nagseselos."
Nagulat ako sa sinabi ni Ryoken.
Selos?
"H-ha? Bakit naman 'yun magseselos!" Hindi ko alam pero umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi n'ya. "Wala din naman s'yang dapat ikaselos, hindi naman tayo." Dagdag ko pa.
"Ouch naman... ang sakit ha.." Natawa ako sa acting ni Ryoken na may pag hawak pa sa dibdib n'ya na akala mo sinaksak ng kung ano.
"Ewan sa'yo.. Hanap na ako ng upuan at dal'hin mo 'yung libre ko." Sabay walk-out ko.
"Oo na! kinilig ka lang siguro!" Pahabol pang sigaw n'ya.
Hindi ko nalang pinansin 'yon at humanap na ng pwesto namin. Nang makahanap na ako agad naman ako umupo doon pero kasabay nang pag-upo ko ay ang pag-upo rin ni Kurt sa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Novela JuvenilKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...