Chapter 26: His tears

201 16 15
                                    

(A/N: May video po akong ginawa, kung gusto n'yo panoorin search n'yo lang sa youtube "Our Counter Play Love Fanfic MV" lalabas na 'yun. Share ko lang sana magustuhan n'yo. 💜 Nandoon din po s'ya sa introduction kung hindi n'yo napansin. Btw, thankyou sa nagbabasa nito kamsa :)

°°°°°

T A I R I S H
M A M A R I E

Kurt Calling...

Tumingin ako sa phone ko na nag-ring at nagtaka kung bakit natawag ang isang 'to sa ganitong oras.

1:30 AM na pero hindi parin ako makatulog at dahil 'to sa lalaking kasalukuyang natawag sa'kin ngayon.

"Hello!? Bakit?!" Bungad ko.

Pinupuyat n'ya ako masyado kakaisip sa kanya. Buti nalang walang pasok kinabukasan dahil sabado.

"Hoy, sumagot ka."

Mga ilang segundo din bago ako may marinig na boses.

"Mamarie~"

Pinakinggan kong maigi kung sino 'yung nagsalita nang ma-kumpirma kong si Kurt 'yon.

Bakit ganito ang boses n'ya?

Para s'yang lasing o sa tingin ko lasing nga talaga s'ya.

"Wag mo akong lokohin d'yan lagot ka talaga sa'kin pag nakita kita!" Narinig ko s'yang ngumisi at tumawa ng mahina.

"Uy~ she missed me~ miss n'ya ako~ uyyy~"

Ano daw?

Hindi ko talaga akalain na makakausap ko s'ya ng ganito.

Si Kurt?

Tinalo pa nga n'ya ang babaeng nagme-menopause dahil sa sobrang sungit tapos kung magsalita ngayon parang ewan.

"Mamarie~ uy~ sumagot ka~ miss mo ako? Namiss mo ako ano? Yeah, i know~ i know~"

Gusto kong matawa sa naririnig ko ngayon. Hindi ko talaga s'ya ma-imagine na nagsasalita ng ganito.

Pero kahit pala lasing s'ya ang hangin n'ya parin.

"Umayos ka, bakit ka napatawag?"

"Wag kang maniwala dyan! Walang forever~"

Rinig kong boses sa kabilang linya.

Sino naman ang kasama n'ya?

"Wag kang maingay dyan!" Rinig ko namang sigaw ni Kurt.

Nasaan ba s'ya at bakit ganito s'ya makipag-usap?

Halata sa boses n'ya na lasing na lasing s'ya habang sinok ng sinok.

Parang wala sa wisyo na ewan.

"Nasaan ka ba?" Tanong ko.

"Nandito kami sa.. sa ano... dito sa... hoy, saan ba 'to?"

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon