K U R T
Dalawang araw na simula nung biglaang lipat nila Ryoken dito. At hindi ako tanga para hindi maintindihan kung bakit sila sumisiksik ngayon sa unit ko.
Siguro iniisip nilang gagawan ko ng masama ang sarili ko.
I already had enough.
I think five years of waiting is enough.
Simula nung araw nang pagkikita namin pa ang huling luha na lumabas sa mata ko.
Pero kung anong nararamdaman ko nung araw na 'yon, gano'n parin.
I spend five years of thinking, kung anong mangyayari kung sakaling magkita kami ulit.
At ngayon..
Ito ang unang beses na naramdaman ko ang pagod.
Pagod na mahalin ka, Tairish Mamarie.
I love her.
I still do.
Pero sa lahat ng nangyari nung nakaraan normal siguro na maramdaman ko ang pagod na 'to.
Nakarinig ako ng dalawang katok mula sa pinto ng kwarto ko.
"Dude. Hindi ka ba sasabay kumain? Patay gutom 'tong mga tropa mo." Mikael.
"Wow naman? Galing pa talaga sa 'yo?" Tyler.
"Hindi pa ba kayo nasanay sa kapal ng mukha n'yan." Kent.
"Alam n'yo, ako na d'yan." Ryoken.
And as usual, si Axel lang ang medyo tahimik sa kanila.
Kumatok rin si Ryoken pero hindi parin ako sumagot kaya mukhang nagsimula na sila kumain.
Nag-ring naman ang phone ko at doon nakita ko ang tawag na kanina ko pa inaasahan.
(Sir, i got the location and time of her today's schedule.)
"Message it privately, thank you."
Inilapag ko na ulit sa side table ang phone ko at saglit na tumitig sa kawalan.
Hindi ko alam kung bakit ko pa kailangang gawin 'to.
I know there's nothing left to talk about.
But maybe it's what i need.
Siguro karapatan ko rin 'to, para hindi ako ma-stranded sa sarili kong nararamdaman.
Para hindi ako ma-stranded sa 'yo, Tairish Mamarie.
°°°°°
Kanina pa ako nag-aabang mula sa loob ng kotse ko.
Nakatanaw lang ako sa coffee shop kung saan s'ya pumasok kanina.
Nanlalamig ang mga kamay ko at medyo ramdam ko din ang kaba.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Novela JuvenilKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
