T A I R I S H
M A M A R I E"Hoy! Tairish Mamarie!"
"Gumising kana! late kana!"
Napamulat ako sa pagkakatulog dahil sa mga sigaw na 'yon mula sa labas ng kwarto ko.
Ang aga naman mag concert nito ni kuya!
"Opo! wait lang!"
"Hoy! Late ka na nga!"
"Opo nga! Pababa na!" sigaw ko pabalik.
Agad narin akong tumayo para maligo.
Kahapon, Sunday. Wala namang akong ginawa. Nagmukmok lang ako dito sa kwarto ko, tapos nung Saturday naman----
Nevermind.
Pagkatapos ko mag-ayos ay agad na akong bumaba para makapag almusal kahit paano.
"Oh, kumain kana. Hinanda ko pa 'yan para sa'yo." Sabi ni kuya nang makababa ako.
"Thank you~ Good Morning." Bati ko kay Kuya.
"Good Morning. Sige, mauna na ako at baka mahuli ako sa klase ko. Ito pala 'yung allowance mo for this month." Sabay abot ng pera sa'kin ni Kuya.
"Sige po, ingat."
Pagkatapos ko kumain ay agad narin akong umalis ng bahay dahil malapit narin ako mahuli sa klase ko. Medyo mahigpit din kasi ang Castillones Academy sa oras ng klase. Pagkalabas ko nakita kong may nakaparadang itim na kotse sa tapat ng bahay namin at lumabas doon si Ryoken na inaasahan ko narin naman.
°°°°°
R Y O K E N
Bago ako pumasok, dinaanan ko na si Tairish. Namiss ko kasi s'ya dahil hindi ko s'ya naaya na lumabas nung weekend. Pagkadating ko naman saktong labas naman ni Tairish sa kanila.
"Tara sabay na tayo." sabi ko.
"Nag-abala ka pa."
Ito nanaman 'yung puso ko hindi mapakali sa kanya.
"Wala 'yon.. Tara?" aya ko.
"Tara na baka ma-late na tayo."
Pinagbuksan ko na s'ya ng pinto at sumakay narin ako. Hindi ko kasama ngayon ang driver namin dahil pinaiwan ko. Malapit lang naman kasi ako sa school kaya ako nalang ang magd-drive para sa aming dalawa.
Habang nasa byahe kami napansin kong nakatulala s'ya at mukhang may malalim na iniisip.
"May.. problema ba?" tanong ko.
"Ha? Wala naman."
"Uhm.. kumusta pala ang weekend?" Bigla ko nalang naitanong.
Bigla nga ba o talagang kanina pa 'yon tumatakbo sa isip mo, Ryoken?
"Okay lang naman." Walang ganang sagot n'ya.
"Tairish, may masama bang ginawa sa'yo si Kurt?"
Hindi ko sana 'yon gustong itanong pero para kasing may bumabagabag sa kanya at hindi ako mapakali dahil doon.
"Ha? Wala.." Nag-iwas agad s'ya ng tingin.
kapag nalaman ko lang talagang may ginawa s'yang hindi maganda kay Tairish lagot s'ya sa'kin. Hindi n'ya kailangan idamay ang kung sino mang malapit sa'kin kung may problema s'ya.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...