T A I R I S H
M A M A R I EIsang linggo na ang nakalipas simula nung natulog sila Kurt sa bahay at nakatanggap ako ng text sa isang unknown number.
Hanggang ngayon iniisip ko kung sino 'yon dahil araw-araw akong nakakatanggap ng text message sa kanya at iisa lang ang sinasabi ng message n'ya.
"Don't trust too much."
Sino ba ang tinutukoy ng nag-text na 'to at sino ba s'ya?
Sa buong week, mas naging malapit na ako sa mga kaibigan ni Kurt kasama si Riye at Rafaella. Para narin kaming isang grupo dahil madalas na kaming magkakasama maliban nalang kay Clark na minsan lang sumama sa amin. Sasama lang s'ya kapag may jamming sila, pagkatapos magpapaalam narin. Ewan ko pero parang iwas s'ya sa'min nila Rafaella lalo na kay Riye.
Si Kurt naman, mas lalong kumulit. Hindi ko rin akalain na may side pala syang ganon. Walang araw na hindi nya ako inaasar. Araw-araw na din kami magkasabay umuwi, kulang na nga lang magpa-ampon na sa'min 'yon. Habang tumatagal din napapalapit na s'ya kay Kuya Brian.
Si Ryoken kasama n'ya rin palagi ang mga kabanda n'ya at sa ngayon naghahanap parin sila ng bass dahil tinanggihan 'yon ni Riye.
Ano ba 'to, ang dami ko nanaman iniisip.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagre-review ko dito sa library dahil malapit na ang periodical exam this first grading. Kailangan ko parin alagaan ang pag-aaral ko dahil nakakahiya kay Mama lalo na at babalik na s'ya.
Habang nagre-review ako ay nag-vibrate ang cellphone ko.
From: Kurt.
Goodluck sa exam, Microphone.
One week na n'yang tawag sa'kin 'yan.
To: Kurt.
Ilang tawa Kurt? Wag kang makulit nagre-review ako. Aralin mo 'yung mga tinuro ko.
Pagkatapos kong mag-reply ay nagpatuloy ako sa pagbabasa pero hindi ko pa nalilipat sa isang page ang libro ko nang makatanggap ulit ako ng text mula sa kanya.
From: Kurt.
Alam ko.
Pagkabasa ko ng reply n'ya ay nilubot ko agad ang paningin ko sa library at may nakita ako sa hindi kalayuan na nagbabasa o sabihin na nating nagtatakip ng libro sa mukha.
Paano ba namang hindi ko malalaman, baliktad kaya 'yung libro.
Dahan-dahan n'yang ibinaba ang libro at mukhang nagulat pa s'ya na nakatingin ako kaya tinakip n'ya ulit sa mukha n'ya.
Napailing nalang ako at tinuloy nalang ulit ang pagbabasa ko nang mag vibrate nanaman ang cellphone ko.
Napakakulit talaga ng Kurt na'to!
Binuksan ko na ang message pero hindi pala galing sa kanya. Doon nanaman sa unknown number.
From: +09*********
Don't trust too much.
"Who's that, Microphone?" Nagulat ako nang may bumulong sa tabi ko at nakita ko si Kurt na nakikibasa ng text.
"Ang kulit mo talaga, bakit ka nagbabasa ng text." Gigil na bulong ko sa kanya pero hindi n'ya 'yon pinansin.
"Unknown number?" Seryoso n'yang tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...