Season 2: Our Counterplay Love.

107 11 0
                                    


S E A S O N
T W O


Limang taon.

Limang taon narin pala ang nakalipas matapos ng araw na 'yon.

Kanya-kanyang congratulate ang naririnig ko sa paligid.

Kakatapos lang ng graduation namin.

Finally, nakatapos din ng college.

"Congratulations, Kuya!!" Agad akong sinalubong ni Riye.

Hindi naka-attend ng graduation sila Mama at Papa dahil biglang nagka-problema at naiintindihan ko naman.

"Thankyou." Nakangiti kong bati.

"Finally, Graduate kana!! Ako next year din!" Riye.

Ngumiti nalang ako at ginulo ang buhok n'ya na kinagalit n'ya.

Marami man nagbago,

Pero hindi ang nakasimangot na mukha ni Riye kapag ginulo mo ang buhok n'ya.

"Hoy, kayong dalawa! Kanina pa namin kayo hinahanap!" Mikael.

Agad naman s'yang sinalubong ng yakap ni Riye.

Ang tagal narin nilang dalawa.

Mahal naman s'ya ng kapatid ko at sigurado akong mas mahal n'ya si Riye.

Pero minsan napapaisip ako kung mamahalin pa ba s'ya nito pag nalaman n'ya ang bagay na 'yon.

"Tara na, picture taking na nanduon na sila lahat sa room!" Sigaw ni Mikael.

Iisang university lang kasi ang pinasukan namin lahat na mag-kaibigan.

Hindi ko nga akalain na magiging ganito kami kalapit sa isa't-isa.

Pagpasok ko ng room kumpleto na sila at nakapwesto narin.

"Teka? Si Kurt?" Tanong ko.

"Hindi ko nga mahanap." Mikael.

"Asus, Ryoken umamin na nga kayo n'yan ni Kurt!" Tyler.

"Siraulo."

Lumabas ako saglit ng room at sinabi ko sa kanila na hintayin kami ni Kurt sa loob.

Alam ko kung nasaan 'yung baliw na 'yon.

Pagdating ko sa rooftop tama ang hinala ko.

Nandito s'ya.

Nandito nanaman s'ya.

Nakatayo lang habang nakapikit.

Lumapit ako at tumabi sa kanya kaya agad s'yang lumingon sa'kin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumapit ako at tumabi sa kanya kaya agad s'yang lumingon sa'kin.

"Miss mo naman ako agad?" Biro n'ya.

Tumawa lang ako at tinapik s'ya sa braso.

"Tara na tanga, kahit anong punta mo sa rooftop wala kang makikita dito." Aya ko dahil naghihintay na sila.

"Pinagsasabi mo." Kurt.

Ngumisi nalang ako.

"Alam ko naman na naghihintay ka parin." Sabi ko at nauna na sa pagbaba.

Sa aming lahat, ako na yata ang pinaka nakakakilala sa kanya.

Sumunod lang sa'kin si Kurt at hindi na nagsalita pa.

Hindi ko alam kung pa'no kami naging ganito ka-lapit.

Siguro dahil kaming dalawa lang palagi ang mag-kasama sa kung saan saan pag nakakatanggap s'ya ng sulat na 'yon.

Na hanggang ngayon pinagmu-mukha kaming gago.

Pagdating namin sa room naghiyawan silang lahat.

Mga baliw talaga.

Pero kahit ganun masaya ako dahil ganito kami.

Nasa iisang samahan na kami at mag-kaibigan na lahat.

Tyler.

Kent.

Axelson.

Gwen.

Cyra.

Rafaella.

Kurt at ako.

Pumunta na kami ni Kurt sa pwesto namin dahil kami nalang rin ang hinihintay.

Tumayo saglit si Tyler para pumunta sa camera.

"Click ko na 'to ah!" Tyler.

"Napakabagal naman!" Mikael.

Tinawanan lang 'yon ni Tyler at agad na pinindot ang click button.

Bumalik s'ya sa pwesto n'ya at doon sinalubong kami ng flash habang sabay-sabay kaming ngumiti.

Sayang at wala ka dito ngayon..







Kumusta ka na,

Tairish Mamarie.

Serence94

(A/N: You can watch the video trailer of season two above this entry, thankyou sa patuloy na pagbabasa~)

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon